Piolo Pascual asked if John Lloyd Cruz, Ellen Adarna are getting married

by Rachelle Siazon
Jul 8, 2019
Piolo Pascual on John Lloyd Cruz and partner Ellen Adarna's life away from the biz: "He was very vocal about his family. So he's in a good place. I think fatherhood changed him for the better."
PHOTO/S: @piolo_pascual Instagram / Rachelle Siazon / PEP.ph source

Hindi maiwasang mahingan ng reaksiyon si Piolo Pascual kung kasal na o may plano bang magpakasal ang celebrity couple na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Lalo na't sina Piolo at Bea Alonzo ang unang nakatrabaho ni John Lloyd para sa isang commercial, ngayong unti-unting nagbabalik-trabaho ang on-leave actor.

"Hindi ko na naitanong, e," diretsong sagot ni Piolo.

Kung sakali ay invited kaya siya kung ikasal sina John Lloyd at Ellen?

"I don't know anything about it. We didn't talk about it.

"Pero yung anak niya talaga, ang galing daw, ang sarap ng pakiramdam."

Kuwento ni Piolo, sobrang saya ng disposisyon ni John Lloyd dahil sa one-year-old son nito at ni Ellen.

"Happy siya. You know, I was asking about his son. He was very vocal about his family.

"So he's in a good place. I think fatherhood changed him for the better.

"Not that he's bad, but iba talaga yung pakiramdam pag naging tatay ka, e.

Continue reading below ↓

"So. I guess, that's what he has—privacy and, at the same time, he feels complete.

"That's what I saw when I saw him."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at piling reporters si Piolo pagkatapos ng media launch ng bagong ad campaign ng Sun Life, ang "Kaakbay: Stories of Lifetime Partnerships."

Ginanap ito sa Sofitel Plaza, noong Sabado, July 6, kunsaan ang iba pang dumalong celebrity ambassadors ay sina Matteo Guidicelli, Enchong Dee, Charo Santos-Concio, at Inigo Pascual.

PIOLO AND JOHN LLOYD'S COMMERCIAL STINT

Kakatwa nga naman daw na si Piolo pa ang unang nakatrabaho ni John Lloyd, isang taon at siyam na buwan mula nang mag-indefinite leave ito sa showbiz.

Nang umalis si John Lloyd sa ABS-CBN weekly sitcom nitong Home Sweetie Home noong October 2017, si Piolo ang dumagdag na lead cast member ng show na may love interest sa role ni Toni doon.

Continue reading below ↓

Pero umalis na rin si Piolo sa Home Sweetie Home noong April 2019.

"Oo naman, napakaliit ng mundo, and Lloydie will always be a brother.

"We've started our careers together in this business 20 years ago.

"And siyempre, affected ka rin pag may nangyayaring hindi maganda sa kasama mo.

"Lloydie is one of our very competent actors in town, so sana bumalik siya."

JOHN LLOYD'S COMEBACK MOVIE

Nang tanungin ng PEP.ph kung posibleng sila ni John Lloyd ulit ang magkatrabaho sa showbiz comeback nito, sinabi ni Piolo na kung sakali ay excited siyang makasama ito sa isang acting project.

Pero sa ngayon, kinumpirma ni Piolo na may gagawing pelikula si John Lloyd kasama ang premyadong direktor na si Lav Diaz.

Parehong nakatrabaho nina John Lloyd at Piolo si Lav sa 2016 internationally-acclaimed movie na Hele Sa Hiwagang Hapis.

"He's doing a Lav Diaz," nakangiting balita ni Piolo.

"Yeah, hopefully naman. Si Lloydie naman open naman siya, e.

Continue reading below ↓

"He loves his craft and hopefully one day we can work again together."

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Piolo Pascual on John Lloyd Cruz and partner Ellen Adarna's life away from the biz: "He was very vocal about his family. So he's in a good place. I think fatherhood changed him for the better."
PHOTO/S: @piolo_pascual Instagram / Rachelle Siazon / PEP.ph source
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results