Janella Salvador says team up with Joshua Garcia approved by Julia Barretto

by Bernie V. Franco
Jul 8, 2019
Janella Salvador says she has friend Julia Barretto's blessing for team up with the latter's rumored ex-boyfriend, Joshua Garcia.
PHOTO/S: Noel Orsal

Sa wakas ay matutuloy na ang pagtatambal nina Janella Salvador at Joshua Garcia.

First time na magiging magkapareha ang dalawa sa upcoming ABS-CBN teleserye na The Killer Bride, na pagbibidahan ni Maja Salvador.

Pag-amin ni Janella, noon pa dapat sila nagtambal ni Joshua sa isang proyekto pero naudlot ito.

“Yes. Siya yung magiging partner ko dito,” pahayag ng 21-anyos na dalaga sa panayam sa kanya sa book-signing ng I Love You Since 1892.

“Yeah, it’s my first time... nakakatuwa kasi matagal na kami dapat magkakatrabaho and finally natuloy na.”

Inusisa rin si Janella kung nagpaalam ba siya sa matalik na kaibigang si Julia Barretto, ang rumored ex-girlfriend ni Joshua.

Paglilinaw ni Janella, “Well, kasi we’re very close, me and Julia.

"And nagha-hang out kami before, kaming tatlo, with Josh.

“So there’s no issue about it.

“Parang nung nalaman niya [Julia], ‘Okay, sure!’ Friends naman kami.”

Continue reading below ↓

IS JANELLA SALVADOR READY FOR MATURE ROLES?

Ayon kay Janella, handa na niyang iwan ang teeny-bopper roles.

Sa katunayan, “mature” ang paglalarawan niya sa kanyang role sa The Killer Bride.

“Mas mature siya. Parang sabi ni Direk [Dado Lumibao], gusto niya mas sensual.

"So, mas malalim yung kuwento niya at mas mature.

“Yung character ko, bigla na lang siyang darating sa… tawag dun sa lugar, Las Espadas.

“Bigla na lang siya darating dun. 'Tapos kini-claim niya, sinasapian siya ng character ni Ate Maja.

“So yun ang character ko, yun ang kuwento ko.”

Pahayag pa ni Janella sa pagkakaroon ng mature role, “I’m super excited.

"Actually, pressured din kasi napakalaking role na binigay nila sa akin sa Killer Bride.

“Very challenging siya para sa akin.

“Andami kong preparations para dito. At ang isang preparation dun, ang pagpraktis ng Tagalog.”

Continue reading below ↓

DID JANELLA AUDITION FOR DARNA?

Kinumusta rin kay Janella kung nagkakausap sila ng isa pa nilang kaibigan ni Julia na si Liza Soberano.

Kamakailan ay sumailalim ng surgery si Liza dahil sa kanyang injury sa daliri.

Ayon kay Janella, “I don’t see her much na, kasi nga she’s busy, like, focused on her finger, kasi kailangan operahan.

“Pero kanina, I told her sana okay na yung finger niya, yun lang.

“Yun lang ang alam ko, masama talaga yung nangyari.”

Dahil sa injury ni Liza, kinailangan nitong umurong sa Darna movie.

Dahil wala pang napipiling aktres na susunod maging Darna, nag-audition ba siya?

Hindi muna agad nakasagot si Janella.

“I don’t know. I don’t know…” paiwas niyang sagot, sabay tawa.

Pinansin din namin ang mga post ni Janella sa social media na pagwu-workout.

May pinaghahandaan ba siya?

“Just being healthy," tugon niya.

Continue reading below ↓

"Kasi, ever since sa buong buhay ko, never akong nag-workout.

"Never akong naging active. Tamad talaga ako.

“Pero ngayon, parang sabi ko, ‘Sige, subukan kong maging active, baka I’ll feel good.'

"And I did. I felt good about myself.

“Okay din siya kasi nakatulong talaga siya sa paghahanda ko sa mga roles.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janella Salvador says she has friend Julia Barretto's blessing for team up with the latter's rumored ex-boyfriend, Joshua Garcia.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results