Cathy Garcia-Molina gets surprise phone call from John Lloyd Cruz

by Rachelle Siazon
Jul 10, 2019
At the presscon of Hello, Love, Goodbye, box-office director Cathy Garcia-Molina is flanked by the movie's lead stars Kathryn Bernardo and Alden Richards (left photo). After the program, Cathy addresses queries about her favorite star John Lloyd Cruz giving her an unexpected phone call.
PHOTO/S: Noel Orsal / CTTO @lloydiebeaforever Instagram

Kinumpirma ni Cathy Garcia-Molina na nagkausap na sila ni John Lloyd Cruz matapos ang matagal na panahong pananahimik ng aktor upang pagtuunan ang kanyang personal na buhay.

Tinawagan daw siya ni John Lloyd nang makarating dito ang balitang gusto nang magretiro ng box-office director matapos ang matagal na serbisyo sa Star Cinema, ang film company arm ng ABS-CBN.

"Kasi tumawag si Lloydie sa akin bago ko simulan ito," tukoy ni Cathy sa Hello, Love, Goodbye, ang bago niyang pelikulang pinagbibidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Lloydie ang palayaw ni John Lloyd sa mga malapit sa kanya.

Matagal na walang komunikasyon sina Cathy at John Lloyd mula nang mag-leave of absence ang Kapamilya actor noong October 6, 2017.

Patuloy ni Cathy, "Gulat nga ako, e. 'Ano 'tong nababalitaan kong magre-retire ka na?' sabi niya sa akin.

"So, natuwa naman ako."

April 2019 nang unang umugong ang espekulasyon sa pagbabalik-showbiz ni John Lloyd, lalo na't lumabas siya sa isang TV commercial (TVC).

Continue reading below ↓

Nitong June, kumalat din ang kuha ng netizens kay John Lloyd na nagsu-shooting kasama ang perennial leading lady nitong si Bea Alonzo.

Kasunod nito ang kumpirmasyong nagkasama ang dalawa sa pag-endorso ng parehong produktong ginawan ng TVC ni John Lloyd.

Tiyempo namang marami ang nagtatanong kung anong huling pelikulang ididirek ni Cathy bago ang pinaplano niya sanang retirement ngayong 2019.

Posible bang mag-reunion din sila ni John Lloyd sa huli niyang pelikula?

Sagot ni Cathy, "Hmmm... Nag-usap kami ni Lloydie kasi na hindi kami gagawa ng pelikula ngayon.

"Pagbalik ko, siya ang first film ko."

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na tanungin kung may nabanggit si John Lloyd tungkol sa relasyon nito at ng partner na si Ellen Adarna.

Invited ba siya sakaling magpakasal ang couple?

Sagot ni Cathy, "Hindi ko alam. Na kay John Lloyd na yun, 'no! Ini-invite mo ba ako Lloydie?!"

Continue reading below ↓

REUNION FILM WITH JOHN LLOYD

Sa parte niya, ang tanging sinuguro ni Cathy ay hindi si Lloydie ang artistang bibida sa huli niyang pelikula.

Ang siste, sa halip na magretiro bilang direktor ay napag-isipan daw niyang kumuha na lang ng matagal na leave of absence sa showbiz upang masubaybayan ang paglaki ng kanyang dalawang anak na teens.

Kung payagan na raw siya ng mga ito na magtrabaho ulit, handa pa rin daw si Cathy na magbalik-pelikula.

Lalo pa't aminado siyang hindi rin niya kayang tuluyang iwan ang trabahong pinagpaguran at minahal nang lubos.

Huling hirit ni Cathy, "So, ang usapan namin, pagbalik ko.

"So, iba 'tong importanteng tao na 'to na ginugulo buhay ko. Mahal ko lang talaga. Hindi ko mahindian."

Bago ang huling pelikula ni Cathy, nakatakda rin niyang idirek ang reunion movie nina Piolo Pascual at Claudine Barretto na uumpisahan daw ngayong taon.

CATHY GARCIA-MOLINA'S NON-SHOWBIZ BOYFRIEND

Kinikilig na kuwento pa ng box-office director, ang kanyang love life naman ang isa pang pag-uukulan niya ng pansin kapag siya ay libre na sa trabaho.

Continue reading below ↓

Ito pa rin daw ang non-showbiz boyfriend niya na gusto niyang makasamang manirahan sa New Zealand kasama ng kanyang mga anak.

"Tatlong taon na kami," pag-amin ni Cathy.

May plano na rin ba silang magpakasal?

"Depende sa kanya. Alangan naman ako mag-aya, 'Huy! Pakasalan mo na ako!" natatawang bulalas ng direktor.

"Meron siyang plano, pero di raw sa Pilipinas."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang reporters si Direk Cathy pagkatapos ng mediacon ng Hello, Love, Goodbye, kagabi, July 9, sa ABS-CBN Dolphy Theater sa Quezon City.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
At the presscon of Hello, Love, Goodbye, box-office director Cathy Garcia-Molina is flanked by the movie's lead stars Kathryn Bernardo and Alden Richards (left photo). After the program, Cathy addresses queries about her favorite star John Lloyd Cruz giving her an unexpected phone call.
PHOTO/S: Noel Orsal / CTTO @lloydiebeaforever Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results