Neil Arce opens up about engagement to Angel Locsin

by Rey Pumaloy
Jul 11, 2019
When did Neil Arce know that Angel Locsin is 'the one' for him? He says, "You’ll know when she’s the one… you’ll know."
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

Excitement ang nararamdaman ngayon ng film producer na si Neil Arce sa engagement proposal nito sa kasintahang si Angel Locsin.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Neil sa grand launch ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2019, na ginanap sa Sequoia Hotel, Quezon City, ngayong Huwebes ng tanghali, July 11.

Kabilang ang iprinodyus niyang pelkula sa ilalim ng N2, ang I’m Ellenya L., sa sampung official entries ngayong taon. Pinagbibidahan ito ni Maris Racal.

Umayon si Neil sa obeserbasyong naggu-glow ang mukha niya nang makausap siya ng press.

“Kahit may sore throat, ano?” banggit niya sa masamang pakiramdam kanina.

Pero dagdag niya, “Super happy, super excited.”

Bagamat nakikipagbiruan, alinlangan pa rin si Neil na pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Angel.

“Ang dami niyo nang tanong, huh?!” natatawa niyang sabi.

Ayon kay Neil, hindi biglaan ang desisyon niyang mag-propose kay Angel.

“Hindi, pinag-isipan ko yun, hindi ako basta-basta… alam ko yun…

Continue reading below ↓

"Thank you very much."

Bahagi ng kasiyahan ni Neil ang pagsuporta ng marami sa engagement nila ng Kapamilya actress.

“Thank you very much sa inyong lahat,” ulit niya.

HOW DID HE KNOW THAT ANGEL IS THE ONE?

Pero tumanggi munang magbigay ng detalye si Neil sa mangyayaring kasalan nila ni Angel.

Pasakalye niya, “Alam mo, parang pelikula ‘to, di ba?

“Siyempre, hihintayin niyo ang dulo.

“Papanoorin niyo agad, gusto niyong malaman ang ending?

“Yung gist… nasabi ko na, I’m excited. Yun ang gist.”

Paano niya nalamang si Angel na ang “the one” para sa kanya?

“Are you married”? tanong ni Neil sa isang female entertainment writer, na sumagot naman ng “Not yet.”

Saka sinabi ng film producer na, “You’ll know when she’s the one… you’ll know.”

Continue reading below ↓

Ipinauubaya na lang daw ni Neil sa kanilang “spokesperson” na si Dimples Romana ang paglalahad ng ibang anggulo sa proposal niya kay Angel.

Sa isang hiwalay na panayam ay ikinuwento ni Dimples kung ang naging partisipasyon niya sa engagement nina Neil at Angel.

May halong birong sabi ni Neil, “Kausapin niyo na lang ang aming spokesperson na si Dimples Romana.

“May dala siyang luggage, nandun lahat ng sagot.”

Ang ibig tukuyin ni Neil ay ang karakter ni Dimples sa Kadenang Ginto bilang Daniela Mondragon, na naging viral dahil sa dala-dala nitong luggage.

NEIL, THE MOVIE PRODUCER

Samantala, nais ni Neil na ibida ang I’m Ellenya L. sa lahat kaya naman sinabi nitong sana ay masulat ang kanyang pelikula.

Saad niya, “Makikita at maiisip nila yung tungkol sa mga millennials.

“Pero siyempre, it’s a comedy, pero maganda yung may aral siya sa dulo.

Continue reading below ↓

“Kumbaga, refreshing siya sa mga millennials, may mapupulot silang aral.

“Dun siyempre sa napagdaanan na, di ba, maituturo nila mga yung aral na gusto nilang sabihin.”

“It’s a comic, hindi sya rom-com.”

Kabilang din sa cast ng I’m Ellenya L. ang rumoredex-boyfriend ni Maris na si Iñigo Pascual at si Boy 2 Quizon.

Ayon kay Neil, first choice nilang magbida sa pelikula si Maris.

“We wrote it for Maris. I’m Ellenya is really for Maris,” pagpapatunay niya.

“Kinonceptualized ko siya, nakita ko kasi si Maris, e.

“Ang peg ko kasi kay Maris, medyo ma-Jolina [Magdangal]… batang Jolina.

“So, yun ang peg ng character, na medyo perky na gusto niyang maging influencer na wala siyang budget.

“So, ginagawa niya ang paraan… lahat.”

Sa pagkakabilang ni Neil, umaabot na sa sampu ang pelikulang napu-produce niya.

Continue reading below ↓

Tumanggi lang siyang pag-usapan o banggitin ang unang indie film na iprinodyus niya.

“Huwag na nating i-discuss… kasi ang maganda, tanggap naman namin na hindi maganda yung pelikula namin. Tanggap naman namin.

“Pero karamihan naman, magaganda.”

Tinanong ng PEP.ph si Neil kung ano mayroon sa local entertainment industry at ginusto niyang maging film producer.

“Actually, bisyo na nga ito, e!” bulalas niya. Sabay bawing, “Hindi, loko lang.”

Seryoso niyang pagpapatuloy, “Alam mo, madami akong work, iba-iba.

“So, pero pag hindi ako gumagawa, parang may kulang sa akin.

“Parang hindi ako at peace, parang ganun yung feeling.”

Kinontra ni Neil ang sinasabi ng iba na nagtatapon lang siya ng pera sa paggawa ng pelikula dahil hindi naman bumabalik ang kanyang puhunan.

“So far, hindi naman, depende rin naman kasi,” giit niya.

May mga pelikula raw siyang kumita rin naman.

Continue reading below ↓

“Huwag na nating banggitin, kasi pang-I’m Ellenya ang pinag-uusapan natin!” natatawang sabi ni Neil.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
When did Neil Arce know that Angel Locsin is 'the one' for him? He says, "You’ll know when she’s the one… you’ll know."
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results