Maine Mendoza posts hugging photo with Arjo Atayde anew

by Bernie V. Franco
Jul 15, 2019
Maine Mendoza posts on her Instagram Story a photo with rumored boyfriend Arjo Atayde. Arjo attended Maine's fundraising event this weekend.
PHOTO/S: @mainedcm on Instagram

Sa bihirang pagkakataon, muling nag-post si Maine Mendoza ng larawan nila ng rumored boyfriend na si Arjo Atayde.

Sa kanyang Instagram Story, ipinost ng Eat Bulaga! host ang larawang kuha mula sa kanyang fundraising event nitong Linggo, July 14.

Todo-suporta si Arjo na dumalo event ni Maine na tinawag niyang Shop Bid Donate.

Sa larawan, makikita si Maine habang nasa likod niya si Arjo na nakayakap sa dalaga.

Kasama rin sa larawan ang iba pang organizers ng garage-sale-cum-fundraising-project, kung saan isinusubasta ni Maine ang kanyang pre-loved items para makalikom ng pondo na itutulong sa mga less fortunate.

Continue reading below ↓

MAINE'S WAY OF SHOWING APPRECIATION FOR ARJO

Animo’y pagpapakita ng appreciation ni Maine kay Arjo ang pag-post ng larawan nila dahil sa pagiging supportive ng aktor.

Unang beses na nag-post ng picture si Maine kasama si Arjo nang nagpakita ng suporta ang ABS-CBN actor sa launching ng Kapuso star bilang endorser ng international makeup line noong February 2019.

March 2, 2019 naman nang maglabas ng blog entry si Maine bilang kumpirmasyon na exclusively dating sila ni Arjo.

Sa blog entry ay ipinaliwanag ni Maine kung bakit pinili niyang i-date si Arjo sa kabila ng pagtutol ng maraming fans niya at ng ka-love team na si Alden Richards.

Bahagi ng post ni Maine: "He always goes out of his way to make me extra happy and actually puts in effort in everything he does."

March din nang i-post ni Arjo sa kanyang Instagram account ang hugging photo nila ni Maine bilang pagbati sa 24th birthday ng dalaga.

Ang recent picture na ipinost ni Maine nitong weekend ay patunay na unti-unti nang nagiging kumportable si Maine ng pagbabahagi sa publiko ng espesyal na relasyon nila ni Arjo.

Continue reading below ↓

Kumpara kasi sa personal posts nila tungkol sa isat isa, mas marami ang spotted photos nilang magkasama.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maine Mendoza posts on her Instagram Story a photo with rumored boyfriend Arjo Atayde. Arjo attended Maine's fundraising event this weekend.
PHOTO/S: @mainedcm on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results