Ronnie Alonte confesses he let fame get to his head

by Bernie V. Franco
Jul 16, 2019
Ronnie Alonte: "Feeling ko, artista na ako na parang hindi ko na nabibigyan ng time ang mga kaibigan ko sa Biñan… na kasi feeling ko, gusto ko artista ang kasama ko, kasi artista ako."
PHOTO/S: Noel Orsal

Inamin ni Ronnie Alonte na naging mayabang siya nang mabigyan ng mga break noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

Si Ronnie ay nakilala bilang miyembro ng Hashtags, ang all-male group na regular na napapanood sa It’s Showtime.

“Kasi nung bago ho ako sa Hashtags, nabigyan ho ako ng break after GGV,” pagtukoy ni Ronnie sa late-night Kapamilya talk show ni Vice Ganda, ang Gandang Gabi Vice.

Naging guest ang grupo sa GGV noong 2015.

Kahit bago pa lamang sa showbiz noon, nabigyan ng magagandang proyekto si Ronnie sa pag-arte bukod sa daily exposure sa It’s Showtime.

Naging housemate din siya sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016.

Naipareha siya noon kay Julia Barretto sa teleseryeng A Love To Last (2017) at sa hit movie na Vince and Kath and James (2016).

“Ikinalaki ho ng ulo ko, noon po,” pangungumpisal ng aktor sa episode ng Magandang Buhay nitong Martes, July 16.

Continue reading below ↓

“Feeling ko, artista na ako na parang hindi ko na nabibigyan ng time ang mga kaibigan ko sa Biñan [Laguna]… na kasi feeling ko, gusto ko artista ang kasama ko, kasi artista ako.”

Pero napagtanto raw ni Ronnie ang pagkakamali niya kalaunan.

“Meron pong sumampal sa akin na parang may bumulong sa akin, sa sarili ko na, ‘Hindi na ikaw iyan. Hindi na ikaw si Ronnie, pare. Hindi na ikaw yung dati naming nakakasama. Ano bang nangyayari?’”

Pagpapatuloy niya, “Yung time na ho yun, nagse-senti ako na, ‘Ano bang nangyayari sa akin?’

"So, napaka-sensitive ko ho sa ‘Nagbago ka na.’”

Kaya naman daw maingat si Ronnie upang huwag hayaang mangyari ulit ito.

“Iniingatan ko na ho yung salitang iyon.

"Kasi sinabi ko sa sarili ko, ‘Hoy, wala ka pang napapatunayan, Ronnie. Kahit may mapatunayan ka man o wala, dapat hindi lalaki ang ulo mo.’

Continue reading below ↓

“Yun po yung sinabi ko sa sarili ko kaya naging sensitive po ako na [sinasabihang], ‘Nagbago ka na.’”

Pangako pa ng aktor, “Hindi na ho ako babalik sa ganun.”

Pinakiusapan daw niya ang ina at mga kaibigan na paalalahan siya sa tuwing napapasama siya.

Paliwanag pa niya, “Hindi niyo kasi ramdam sa sarili niyo iyon na nagbago kayo, e.

“Ang makakapuna noon, ang taong nakapaligid sa inyo, lalo na yung nakakasama niyo."

Paniniyak ni Ronnie, “Pero hindi ako magbabago talaga, promise ho. Napagsisihan ko na.”

Sa kasalukuyan, si Ronnie ay bahagi ng ABS-CBN prime-time series na The General’s Daughter na pinagbibidahan ni Angel Locsin.

Kapareha niya rito ang real-life girlfriend na si Loisa Andalio.

Read Next
Read More Stories About
Ronnie Alonte, Magandang Buhay
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ronnie Alonte: "Feeling ko, artista na ako na parang hindi ko na nabibigyan ng time ang mga kaibigan ko sa Biñan… na kasi feeling ko, gusto ko artista ang kasama ko, kasi artista ako."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results