Former It's Showtime contestant arrested for party drugs

by Arniel C. Serato
Jul 17, 2019
Model-actor Aaron Cruz nabbed by Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) in buy-bust operation in Bonifacio Global City, Taguig, yesterday, July 16.
PHOTO/S: Courtesy: Jimmy Mendoza / Gandang Lalake on Facebook

Natimbog ng pulisya ang modelo at part-time actor na si Aaron Cruz sa isang buy-bust operation sa Taguig City kahapon, July 16.

Si Aaron ay naging grand finalist ng Gandang Lalake contest sa It’s Showtime noong 2014.

Ang ginamit niyang pangalan noon sa contest ay Henry Cruz.

Continue reading below ↓

Ayon sa ulat ng GMA News, nadakip ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si Cruz, at kasama nitong nagngangalang Geraldine Vitto, sa Bonifacio Global City (BGC).

Nakuhaan ang dalawa ng party drugs—84 ecstasy tablets at pitong bote ng liquid ecstasy—at walong pakete ng hinihinalang cocaine na tinatayang aabot umano sa P1M ang halaga.

Dagdag pa ng PDEA, sina Cruz at Vitto ang nagbabagsak umano ng party drugs sa mga bar sa BGC at sa Quezon City.

Mariing pinabulaanan ni Cruz ang ibinibintang sa kanya, ngunit ang kasamahan nitong si Vitto ay umaming may tatlong buwan na siyang nagbebenta ng party drugs dahil sa pangangailangan.

Pinangalanan din si Cruz ng mamamahayag na si Jimmy Mendoza sa kanyang Facebook post kahapon, July 16:

Continue reading below ↓

Si Cruz ang ikalawang celebrity na inaresto dahil sa illegal drugs ngayong linggo.

Noong Lunes, July 15, nahuli ang dating teen star na si Angela Zamora sa Cavite.

Nahaharap sila sa reklamong may kaugnayan sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Model-actor Aaron Cruz nabbed by Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) in buy-bust operation in Bonifacio Global City, Taguig, yesterday, July 16.
PHOTO/S: Courtesy: Jimmy Mendoza / Gandang Lalake on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results