Kakai Bautista defends closeness with Alden Richards against bashers

by Bernie V. Franco
Jul 17, 2019
Kakai Bautista defends her closeness with Alden Richards despite continuous bashing: "I will never be sorry for Loving and caring for a friend!"
PHOTO/S: Noel Orsal / Photo grabbed from YouTube

Hindi nagpapatinag si Kakai Bautista kahit may ilang netizens na patuloy pa rin ang pamba-bash at panlalait sa kanya dahil sa pagiging malapit niya kay Alden Richards.

Miyerkules ng hapon, July 17, nag-tweet ang isang netizen kalakip ang maiksing video clip kung saan mapapanood ang pagpapa-bebe at mahigpit na pagyakap ni Kakai kay Alden.

Ang video clip ay mula sa teaser ng Tonight With Arnold Clavio ng GMA News TV, kung saan guests sina Alden, Kakai, at Lovely Abella.

Magkakasama ang tatlo sa upcoming movie ng Star Cinema na Hello, Love, Goodbye.

Sabi ng Twitter user na si @faulkpok: "SUMUSOBRA KA NA KAKAI BAUTISTA [with knives emojis]"

Continue reading below ↓

Isa pang netizen, na may handle name na @ma_sasakawa, ang nag-repost ng nasabing tweet kalakip ang mensaheng ito:

"Patay na naman sa mga basher si nito, napagsamantalahan na naman si eh."

KAKAI DEFENDS CLOSENESS WITH ALDEN

Hindi nagustuhan ni Kakai ang akusasyong “napagsamantalahan” daw niya si Alden.

Continue reading below ↓

May patutsada siya sa mga taong patuloy na binibigyang malisya ang pagiging malapit niya sa tinaguriang Pambansang Bae.

Tweet ni Kakai: “Ang dumi ng word na napagsamantalahan.

"Iniisip ko tuloy lagi kung saan nakakabili ng gamot para sa malisyoso. Kase ang lala ng sakit na yun.

"Yung tipong yung tao nag-iisip, naglalagay ng meaning tapos sila din ang masasaktan. —-pero bakit parang kasalanan ko?!”

Continue reading below ↓

Sinundan niya ito ng isa pang tweet bilang sagot sa mga netizen na binabantaan siya.

Banat ni Kakai: “MAKA-Lagot kayo sa akin akala nyo eh. I will never be sorry for Loving and caring for a friend!

"HABANGBUHAY KONG YAYAKAPIN si @aldenrichards02 Baby ko sya Forever!

"At wala kayong magagawa dahil mabuti syang kaibigan sa akin!!!!!

Continue reading below ↓

"kung gusto nyo kayo din YAKAPIN KO! Tara!”

Sa kanyang ikatlong tweet, tila hinikayat ni Kakai ang mga basher niya na sa halip na mag-away ay magkabati-bati na lang.

Tweet niya: “Sarap magyakapan ngayon guysh. MALAMIG. AKAP ko kayong Lahat!! Labyuh!!”

Continue reading below ↓

Samantala, marami ring netizens ang nagpahayag ng suporta kay Kakai sa pagiging mabuting kaibigan kay Alden.

Bago ang Hello, Love, Goodbye, nakasama na rin ni Kakai si Alden sa pelikulang Imagine You and Me noong 2016. Katambal ni Alden sa Imagine You And Me si Maine Mendoza.

KAKAI ON FRIENDSHIP WITH ALDEN

Noong April 2019, nagsalita rin si Kakai dahil sa matinding pamba-bash at panlalait sa kanya ng netizens kasunod ng pagpu-post niya ng videos at pictures nila ni Alden, na kung tawagin pa ni Kakai ay “Beybi.”

Pahayag ni Kakai sa interview: “Sanay na akong ma-bash. Ano pa ba ang gusto ninyong sabihin sa akin? Lahat, nasabi na.

“Lahat na ng panlalait, nasasabi na. Okay lang yun.

“Basta ako, masaya ako. So, hayaan na lang po natin sila.”

Read Next
Read More Stories About
Kakai Bautista, Alden Richards
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kakai Bautista defends her closeness with Alden Richards despite continuous bashing: "I will never be sorry for Loving and caring for a friend!"
PHOTO/S: Noel Orsal / Photo grabbed from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results