SexBomb Sheena refutes reports saying she was arrested for illegal drugs

by Erwin Santiago
Jul 17, 2019
Former SexBomb Girls member Sheena Flores de Castro: "There are articles floating around about me getting arrested for illegal drugs in the Philippines and it's not true."
PHOTO/S: Instagram

Hindi miyembro ng dating dance group na SexBomb Girls ang babaeng napaulat na inaresto sa isang buy-bust operation sa San Pablo City, Laguna, nitong Martes, July 16.

Ito ang ginawang paglilinaw ni Sheena Flores de Castro, dating miyembro ng SexBomb Girls, kasunod ng balitang siya ang “Sheena Joana Uypico” na inaresto dahil sa illegal drugs.

Si SexBomb Sheena, na isa nang flight attendant at naninirahan sa Amerika, ay nagulat nang lumabas ang kanyang mga lumang larawan sa ilang news websites kalakip ng balita tungkol sa isa diumanong dating miyembro ng SexBomb Girls na inaresto dahil sa droga.

(Binura na ng PEP.ph ang istorya na naglalaman ng larawan ni SexBomb Sheena.)

Continue reading below ↓

Sa pamamagitan ng Instagram stories, base sa ulat ng GMA News Online, pinabulaanan ni SexBomb Sheena na siya ang babaeng inaresto dahil sa illegal drugs.

Pahayag niya sa isang entry: "There are articles floating around about me getting arrested for illegal drugs in the Philippines and it's not true."

Base naman sa kanyang hiwalay na mensahe sa GMA News Online, na-shock si Sheena nang mabasa ang mga report na nagsasabing siya ang inaresto.

Dagdag pa niya, "I currently reside in the United States, not in Laguna. I do plan on seeking legal advice regarding this matter.”

Nagkomento rin sa isang Facebook post ang dating kasamahan ni Sheena sa SexBomb na si Cheche Tolentino upang patotohanang hindi si Sheena ang naaresto dahil sa illegal drugs.

“Yes Ibang Sheena not sexbomb. Fake news un dati ding issue,” sabi ni Cheche.

Base rin sa kanyang Instagram posts, may sarili nang pamilya si Sheena.

Continue reading below ↓

Si Sheena ay naging miyembro ng SexBomb Girls mula 2008 hanggang 2011.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former SexBomb Girls member Sheena Flores de Castro: "There are articles floating around about me getting arrested for illegal drugs in the Philippines and it's not true."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results