Sharon Cuneta assures Robin Padilla they are back on good terms

by Rachelle Siazon
Jul 19, 2019
Sharon Cuneta to good friend Robin Padilla: "Okay na tayo di ba, and you didn’t have to! But thank you."
PHOTO/S: @reallysharoncuneta / @robinhoodpadilla Instagram

Ikinatuwa ni Sharon Cuneta ang gesture ni Robin Padilla na padalhan siya ng lechon ilang buwan matapos ang kanilang tampuhan.

Sa kanyang Instagram post kahapon, July 18, siniguro ni Sharon na wala na siyang tampo kay Robin dahil sa hindi nito pagdalo sa kanyang 40th showbiz anniversary concert noong 2018.

"Thank you, @robinhoodpadilla for the lechon.

"Okay na tayo di ba, and you didn’t have to! But thank you."

Sabi pa ng Megastar, nagkita ang pinsan niyang si Ciara Sotto at si Robin sa isang event.

Ipinahiwatig ni Sharon na tila napag-usapan nina Ciara at Robin ang tampo niya noon sa aktor.

"Buti nagkita kayo ng kapatid kong si Ciara.

"And buti di ka niya nadeadbol nung sinakal ka niya hahahaha!

"Thanks again. God bless."

Continue reading below ↓

Ipinost din ni Sharon sa Instagram ang ipinadalang litrato sa kanya ni Ciara.

Kunwa'y akmang sasakalin ni Ciara si Robin sa leeg.

Caption ni Sharon: "Huwag na galit Nene! Okay na kami noon pa! Hahaha!

"Cute ng sister kong si Ciara. @pinaypole She saw @robinhoodpadilla last night & sent me this. Kakatawa kayo!

"Love you, sis."

Continue reading below ↓

Natuwa naman si Ciara sa kaalamang maayos na ang lahat sa pagitan nina Sharon at Robin.

"Ok na Ate! Namiss ka daw niya nakita niya Clip ng movie niyo sa event kagabi! Hahahaha! Hindi ko na sasakalin," sabi ni Ciara kay Sharon.

Nag-iwan pa ng comment si Ciara ng mensahe para kay Robin na "Ok na Kuha @robinhoodpadilla"

Continue reading below ↓

MINOR CONFLICT

Noong Mayo, inamin ni Sharon na nagtampo siya kay Robin dahil tila hindi nito pinahahalagahan ang kanilang pagkakaibigan.

Hinihinalang may kinalaman ito sa dating hinaing ng Megastar na hindi man lang daw nag-reply ang aktor nang imbitahin niya ito sa concert, para sa 40th anniversary sa showbiz ni Sharon noong September 28, 2018.

Continue reading below ↓

Gayong nakuha raw ni Robin na dumalo sa ABS-CBN Ball, na ginanap noong September 29, 2018.

Sa palitan nila ng comments sa Instagram, noong Mayo, humingi ng tawad si Robin sa "napakabigat" niyang "pagkukulang" kay Sharon.

DATING HISTORY

Sina Sharon at Robin ay naging magkarelasyon nang magkatambal sila sa pelikulang Maging Sino Ka Man noong 1991.

Hindi kaila sa mga masugid na tagasuporta ng dalawa na nagpalagay pa noon ng tattoo si Robin sa kanyang dibdib na "Sharon, I will die for you."

Minsan na ring inamin ni Sharon na umabot sa puntong muntik silang magpakasal ni Robin.

Pormal na hiningi pa raw ni Robin ang kamay ni Sharon mula sa ama nitong si Pablo Cuneta.

Pero naudlot ang kanilang pagpapakasal nang malaman daw ni Sharon na may nabuntis na ibang babae si Robin.

Sa kabila ng kanilang hiwalayan noon, nanatiling mabuting magkaibigan ang dalawa.

Nagbalik-tambalan pa sila sa pelikulang Unexpectedly Yours noong 2017.

Continue reading below ↓

Sa kasalukuyan, si Robin ay happily married sa asawa niyang si Mariel Padilla.

Ganoon din si Sharon na 23 years nang kasal sa mister niyang si Senator Francis "Kiko" Pangilinan..

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta to good friend Robin Padilla: "Okay na tayo di ba, and you didn’t have to! But thank you."
PHOTO/S: @reallysharoncuneta / @robinhoodpadilla Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results