Ara Mina feels Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli will end up together: "Nagiging magkamukha na sila."

by Glenn Regondola
Jul 20, 2019
Ara Mina has a strong gut feel that Sarah Geronimo and boyfriend Matteo Guidicelli will end up together: “They look good together. At saka, yung mga ugali nila sa isa’t isa ay bagay. Feeling ko, hindi sila mag-aaway."
PHOTO/S: Noel Orsal / Glenn Regondola

“Sana po, Ate.”

Ito raw ang sagot ni Sarah Geronimo kay Ara Mina nang biruin niya ito na silang dalawa na ni Matteo Guidicelli ang magkakatuluyan habambuhay.

Magkasama ngayon sa isang pelikulang Unforgettable sina Ara at Sarah, kaya minsan ay hindi nila maiwasang mapag-usapan ang tungkol sa relasyon ng dalawa.

Sabi pa ng dating sexy actress, “They look good together.

“At saka, yung mga ugali nila sa isa’t isa ay bagay.

“Feeling ko, hindi sila mag-aaway.

“Yun nga, nung sinabi ko na feeling ko ay sila ang magkakatuluyan, ang sagot niya, ‘Sana po, Ate.’

“Pero, di ko na sinabi na, ‘Girl, pakasal ka na.’

“Naku, baka saksakin ako ng parents niya... ni Mommy, ni Tita Divine,” sabay kaway at pabirong hirit ng, ‘Hello, Tita Divine!’”

Una nang nakatrabaho ni Ara si Matteo sa nakaraang pelikula niya, kaya kahit paano ay kilala na rin niya ito.

Continue reading below ↓

Samantala, hindi pa raw niya nakikitang dumalaw si Matt sa shooting ng kanilang movie.

Aniya, “Hindi pa, hindi pa.

“Kasi, nung mag-start kami ng shooting, kakapasok pa lang niya [ni Matteo] noon sa army reserve training.

“Ngayong nakalabas na siya, hindi ko alam kung dumalaw na siya lately.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang miyembro ng entertainment press si Ara sa San Vicente, Palawan, noong July 17.

Isa si Ara sa celebrity guests na naimbitahan sa inaugural flight ng Skyjet Airlines, sa unang pagkakataon nitong lumapag sa nasabing fast-rising tourist destination.

WORKING WITH SARAH

Kumusta naman si Sarah na una niyang nakatrabaho?

Saad niya, “Mahiyaing bata.

“Kumbaga, different kung nagpe-perform siya.

“Ano na, naka-five days na ako, at lahat nang eksena ako ay with her.

“Wala akong eksena na hindi ko siya kasama yata.”

Continue reading below ↓

IMPRESSED WITH SARAH'S HUMILITY

Bukod sa pagiging mahiyain, may isa pa raw na katangian ang singer-actress na hinahangaan ni Ara.

Kuwento ni Ara, “Humble. Humble siya.

“Hindi siya nagpi-prima donna, na siyempre, kahit paano ay Sarah Geronimo na yan, di ba?

“Wala akong nakikitang star complex sa kanya.

“'Tapos, yun nga, napag-uusapan din namin yung lovelife niya.

“Hindi, kasi nag-uusap kami ni Meg [Imperial]. Kami kasi ni Meg ang laging magka-tent mate.

“So, may pinag-uusapan kami ni Meg, katabi namin siya [si Sarah].

“Sabi ko, ‘Sorry ha, may pinag-uusapan kami ni Meg tungkol sa lovelife.

“Sabi ko, nakakatuwa naman kayo ni Matteo na ang tagal niyo na.

“Sabi naman niya, ‘Opo, Ate.’

“Feeling ko nga sila na ang magkakatuluyan, dahil nagiging magkamukha na sila.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ara Mina has a strong gut feel that Sarah Geronimo and boyfriend Matteo Guidicelli will end up together: “They look good together. At saka, yung mga ugali nila sa isa’t isa ay bagay. Feeling ko, hindi sila mag-aaway."
PHOTO/S: Noel Orsal / Glenn Regondola
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results