Alex Gonzaga slams netizen bashing her for being "jejemon" 

by Rachelle Siazon
Jul 23, 2019
Alex Gonzaga hits netizen telling her to "commit suicide" for being a "jejemon."

Hindi pinalampas ni Alex Gonzaga ang below-the-belt message sa kanya ng isang basher na tinawag siyang "jejemon."

Sa kanyang Twitter post kahapon, July 22, ipinakita ni Alex ang e-mail na ipinadala ng isang netizen na minsang nakakita raw sa kanya sa San Francisco, California.

Sabi sa e-mail ng netizen kay Alex: "Please commit suicide, Alex Gonzaga. Jejemon ka.

"I saw you in SF once. Sarap sampalin sa Union Square. Ang kajejemonan nadala pa sa Amerika.

"Feeling ko di ka napalaki ng maayos."

Buwelta ni Alex, walang masama sa pagiging jejemon.

"Kahit ang formal pa ng pagkakasabi mo sorry but you DO NOTE. kakasabi ko pa lang naman na maBuhay mga JEJE," tweet ni Alex na tila nanadya pang ginamit ang tila jejemon phrase na "do note."

Karaniwan itong ginagamit sa social media ng netizens na nagpapatawa sa pamamagitan ng mga walang katuturang salita.

Sumikat ang phrase na "you do note" na ginamit ng isang batang netizen, na na-mispronounce ang ginaya nitong mga linya sa isang eksena sa ABS-CBN afternoon series na Kadenang Ginto.

Continue reading below ↓

WHAT DOES JEJEMON MEAN?

Ang salitang "jejemon," ayon sa urbandictionary.com, ay tumutukoy sa mga taong hindi gumagamit ng wastong punctuation, syntax, at grammar sa written text o di kaya ay sadyang minamali-mali ang paggamit ng salita sa pakikipag-usap sa iba.

Nag-ugat din daw ang salitang ito sa mga Latino-Hispanic kids na mahilig gumamit ng "jejejeje" sa pakikipag-usap nila sa mga kalaro nila sa online games.

Bunsod nito, nababahiran ang salitang "jejemon" ng negatibong konotasyon, marahil ay lalo na kung ginamit pambatikos sa isang tao.

"JEJE QUEENS"

Sa kaso ni Alex, hindi kaila sa mga masugid na sumusubaybay rito na madalas ay prangka at wala itong pakialam sa sasabihin ng ibang tao, kahit pa kung anu-anong kalokohan ang ginagawa nito sa social media.

Lumalabas na hindi ito nainis na tinawag siyang "jejemon" kundi marahil ay dahil sa pagsabi sa kanya ng netizen na kitilin ang sariling buhay dahil sa pagiging "jejemon" niya.

Continue reading below ↓

Patunay nito ang Instagram post niya ngayong araw, July 23, kunsaan binansagan niya ng "JEJE QUEENS" ang sarili at ang kaibigang si Melai Cantiveros.

Read Next
Read More Stories About
Alex Gonzaga, social media
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alex Gonzaga hits netizen telling her to "commit suicide" for being a "jejemon."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results