Charo Santos speaks up about being dragged into Julia Barretto-Gerald Anderson controversy

by Rachelle Siazon
Jul 24, 2019
Seen in the photo are Charo Santos, Bea Alonzo, Gerald Anderson, and Julia Barretto. Today, July 24, Charo reacts to speculations that she liked a netizen's comment about Julia Barretto being romantically linked to Gerald Anderson.
PHOTO/S: Rachelle Siazon (Charo Santos) / Instagram

Mariing pinabulaanan ni Charo Santos ang espekulasyong nag-react siya sa usap-usapan ng netizens tungkol sa napababalitang ugnayan ng Kapamilya stars na sina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Pahayag ni Charo, "Not all 'likes' are real.

"I did not like that comment."

Ibinahagi ito ng aktres at ABS-CBN executive sa kanyang official Instagram account, na may handle na @charosantos, ngayong Miyerkules, July 24.

Continue reading below ↓

THE ISSUE INVOLVING BEA, GERALD, AND JULIA

Nag-ugat ito sa magkakasunod na makahulugang Instagram posts ni Bea Alonzo, na hinihinalang may kinalaman sa umano'y hiwalayan nila ng boyfriend na si Gerald.

Ito ay matapos kumalat ang litrato nina Julia at Gerald na kuha umano pagkatapos ng party ni Rayver Cruz, noong Sabado ng gabi, July 20.

Noong Linggo, July 21, naiulat ang pag-like ni Bea sa alegasyon ng isang netizen na namataan diumano sina Gerald at Julia na sabay sumakay ng kotse pauwi pagkatapos ng party ni Rayver sa isang restobar.

Malinaw na hindi dumalo si Bea sa party ni Rayver.

CHARO'S ALLEGED REACTION

Sa comments' section ng post ni Bea, dumagsa ang halu-halong reaksiyon ng netizens sa pagkakalabuan ng relasyon ng aktres at ni Gerald.

Isang netizen ang nag-comment na hindi kataka-taka ang lumalabas na isyung nali-link si Julia kay Gerald.

"Nasa blood na kc ng mga Barretto Sister yan," hirit ng netizen kalakip ang broken heart emojis.

Continue reading below ↓

Sumang-ayon ang isa pang netizen at sinabing "truth haha"

Kasunod nito ay may notification na "nag-like" si Charo Santos sa kuru-kuro ng dalawang netizens na nabanggit.

Dito ay makikita ang ginagamit na Instagram handle ni Charo at ang kanyang display photo.

Kumalat ang screenshots ng sinasabing pag-like ni Charo sa comment ng netizen mula pa noong Lunes, July 22.

Pero giit ni Charo, hindi siya ang may gawa nito.

Continue reading below ↓

Sina Charo at Bea ay naging malapit na magkatrabaho sa horror film na Eerie, na nag-world premiere sa Singapore International Film Festival noong December 2018 at saka ipinalabas sa mga sinehan sa Pilipinas noong January 2019.

Si Charo—dating ABS-CBN President and CEO—ay kasalukuyang chief content officer ng Kapamilya network.

Sina Bea, Gerald, at Julia ay kabilang sa roster of stars ng Star Magic, talent management ng ABS-CBN.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Seen in the photo are Charo Santos, Bea Alonzo, Gerald Anderson, and Julia Barretto. Today, July 24, Charo reacts to speculations that she liked a netizen's comment about Julia Barretto being romantically linked to Gerald Anderson.
PHOTO/S: Rachelle Siazon (Charo Santos) / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results