Bea Alonzo gets moral support from Angel Locsin, Angelica Panganiban

by Bernie V. Franco
Jul 24, 2019
Amidst breakup rumors with boyfriend Gerald Anderson, Bea Alonzo has a strong support system via her friends from showbiz like Angel Locsin, Janus del Prado (left photo), and Angelica Panganiban (right photo; second from right).
PHOTO/S: @janusdelprado and @therealangellocsin on Instagram

Sa kabila ng pinagdadaanan ni Bea Alonzo sa buhay pag-ibig, nakakuha siya ng moral support mula sa kanyang celebrity friends.

Kabilang na rito sina Angel Locsin, Angelica Panganiban, Janus del Prado, at marami pang iba.

Ngayong umaga ng Miyerkules, July 24, ibinahagi ni Angel sa kanyang Instagram Story ang larawan kasama sina Bea, Angelica, Paulo Avelino, JC de Vera, Bela Padilla, Ejay Falcon, Ivana Alawi, Ketchup Eusebio, at si Dreamscape Entertainment Head Deo Endrinal.

Kuha ang larawan mula sa ABS-CBN trade launch kung saan ipinakita ang mga ongoing at upcoming programs ng giant TV network.

Ginanap ang trade launch sa PICC Forum, Pasay City, nitong Martes ng gabi, July 23.

Kapansin-pansin sa ipinost na larawan ni Angel ang paggamit niya ng hashtag na #ParaKayB.

Posibleng ang kahulugan nito ay pagpapakita ng suporta kay Bea ngayong may pinagdadaanan ito.

Nagkatrabaho sina Angel at Bea sa 2013 blockbuster movie na Four Sisters and a Wedding.

Continue reading below ↓

Samantala, isa naman si Angelica sa mga unang nagkomento at nagpakita ng suporta kay Bea nang mag-post ang huli ng makahulugang mensahe sa Instagram noong July 21, Linggo.

Isang puso na napapagitnaan ng dalawang black heart ang komento ni Angelica sa post ni Bea.

Sina Bea at Angelica ay parehong long-time talents ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Samantala, nag-post din si Janus sa Instagram ng larawan kasama sina Bea at Angel.

Makahulugan at malamang caption ni Janus: “Malaki lang katawan mo pero di mo ko kaya patumbahin – Basha”

Continue reading below ↓

Basha ang pangalan ng karakter ni Bea sa 2007 movie na One More Chance, na pinagbidahan din ni John Lloyd Cruz.

Kasama rin sa movie si Janus.

Nag-comment si Bea rito.

Pero may nag-correct na netizen na ang isinulat na caption ni Janus ay linya ni Popoy (karakter ni John Lloyd) at hindi ni Basha.

Continue reading below ↓

Nakasama rin nina Bea at Angel si Janus sa Four Sisters and a Wedding.

THE ISSUE

Malaking usapin sa showbiz ngayon ang kumalat na paparazzi shots nina Gerald Anderson at Julia Barretto na magkasama.

Isang netizen ang nag-post ng mga larawan at sinabing pumasok umano sa isang kotse sina Gerald at Julia pagkatapos dumalo sa birthday celebration ng Kapuso actor na si Rayver Cruz.

Inakusahan pa ng netizen si Gerald na nagtataksil umano sa girlfriend niyang si Bea.

Sa kabilang banda, inamin kamakailan nina Julia at Joshua Garcia na break na sila at balik sa pagiging “best friends.”

Kasunod ng pagkalat ng mga larawan nina Gerald at Julia, isang makahulugang Instagram post ang ginawa ni Bea noong Linggo.

Pinaniniwalaang reaksiyon ito ng aktres sa diumano’y pagtataksil sa kanya ni Gerald.

Nagsimulang ma-link sina Gerald at Julia pagkatapos magtambal sa pelikulang Between Maybes noong May 2019.

Nauna nang itinanggi ni Julia ang isyung may namamagitan sa kanila ni Gerald.

Continue reading below ↓

Todo-depensa naman kay Julia ang ina nitong si Marjorie Barretto at nakatatandang kapatid na si Dani Barretto hinggil sa isyu.

DID JOSHUA AND GERALD CROSS PATHS?

Samantala, malaki rin ang posibilidad na nag-krus ang landas nina Joshua at Gerald sa ginanap na trade launch ng ABS-CBN kagabi.

Dumalo ang dalawang aktor sa event dahil pareho silang may upcoming TV shows.

Pagbibidahan ni Gerald ang teleseryeng A Soldier’s Heart.

Habang isa si Joshua sa lead stars ng The Killer Bride, kasama sina Maja Salvador, Geoff Eigenmann, at Janella Salvador.

Nagsalitan sa pag-akyat ng entablado sina Gerald at Joshua para i-promote ang kani-kanilang shows, ayon sa ulat ng ABS-CBN News Online.

Continue reading below ↓

Nagpakuha rin ng larawan sina Joshua at Gerald kasama ang kani-kanilang co-stars sa magkakatabing photo booths ng kanilang upcoming shows.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Amidst breakup rumors with boyfriend Gerald Anderson, Bea Alonzo has a strong support system via her friends from showbiz like Angel Locsin, Janus del Prado (left photo), and Angelica Panganiban (right photo; second from right).
PHOTO/S: @janusdelprado and @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results