Julia Barretto latest Instagram post bombarded with negative comments

by Arniel C. Serato
Jul 24, 2019
Julia Barretto: “Enjoying the last few weeks in my bed before I move into my own home..."
PHOTO/S: Courtesy: @juliabarretto on Instagram

Dalawang magkasunod na posts ang ibinahagi ni Julia Barretto sa kanyang Instagram account ngayong tanghali ng Miyerkules, July 24.

Makikita sa dalawang larawan na maaliwalas ang hitsura ng 22-year-old Kapamilya actress.

Sa huling post ni Julia, sinabi niyang ilang linggo na lamang ay makakalipat na siya sa kanyang bagong bahay.

Ito raw ay senyales na rin ng pagsisimula sa bagong pahina ng kanyang buhay.

Mensahe ng Star Magic artist, “Enjoying the last few weeks in my bed before I move into my own home...

"nervous about the big responsibility but I am ready and excited for this new chapter in my life.

"So thankful, so blessed [heart emoji]."

Continue reading below ↓

Base sa larawan, tila hindi apektado si Julia sa matinding batikos na natatanggap niya kaugnay ng pagkakadawit ng pangalan niya sa breakup diumano nina Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Dahil hindi naka-disable ang comments section sa post ni Julia, kinuyog ito ng bashers at kung anu-anong masasakit na salita ang ipinukol sa kanya.

Ngunit may ilan ding sumusuporta sa aktres.

Sa loob lamang ng isang oras, nagkaroon kaagad ng halos 4,000 comments ang post na ito ni Julia.

THE ONGOING CONTROVERSY

Kamakailan ay umamin sina Julia at Joshua Garcia na tinapos na nila ang kanyang relasyon.

Balik daw muna sila sa estado ng pagiging mag-best friend.

Itinanggi naman ng dalawa na may kinalaman si Gerald sa kanilang breakup.

Ngunit, sa cryptic post ni Bea sa Instagram nitong July 21, Linggo, tila may pinatatamaan siya sa kanyang mensahe tungkol sa pangangaliwa.

Hanggang sa lumitaw sa social media ang larawan nina Julia at Gerald na nasa labas ng isang bar sa Taguig City pagkatapos nilang um-attend sa 30th birthday celebration ni Rayver Cruz.

Continue reading below ↓

Dito na magkaroon ng espekulasyon na si Julia ang diumano'y third party sa hiwalayan nina Bea at Gerald.

Mariin naman itong pinabulaanan ng ina ni Julia na si Marjorie Barretto at kapatid niyang si Dani Barretto.

Hanggang ngayon, wala pang direktang pahayag sina Julia, Gerald, at Bea tungkol sa kinasasangkutang kontrobersiya.

UPDATE: Sa kasalukuyan ay disabled na ang comments sa Instagram post ni Julia.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto: “Enjoying the last few weeks in my bed before I move into my own home..."
PHOTO/S: Courtesy: @juliabarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results