Gretchen Barretto sends flowers to Bea Alonzo

by Rachelle Siazon
Jul 25, 2019
Bea Alonzo posts on Instagram a snapshot of the flowers she got from former Magkaribal co-star Gretchen Barretto.
PHOTO/S: @tingduque / @juansarte Instagram

Pinadalahan ni Gretchen Barretto ng flowers at card si Bea Alonzo sa gitna ng napapabalitang hiwalayan ng dalaga at ng boyfriend nitong si Gerald Anderson.

Ngayong Huwebes ng gabi, July 25, ibinahagi ni Bea sa kanyang Instagram Stories ang picture ng white orchids na bigay ni Gretchen.

Kalakip nito ang card na may handwritten message na "Sending you LOVE" na may lagdang "LOVE, ATE GRETCHEN."

Sa caption ng post, sabi naman ni Bea "Thank you @gretchenbarretto."

Continue reading below ↓

Sina Gretchen at Bea ay naging malapit na magkatrabaho nang pagbidahan nila ang 2010 ABS-CBN primetime series na Magkaribal.

Noon pa lang Linggo, July 21, nagpaabot na ng suporta si Gretchen kay Bea nang magpahiwatig ang Kapamilya actress na may pinagdadaanan siyang problema.

Kaugnay ito ng naglabasang litrato ni Gerald kasama ang hinihinalang bagong napupusuan ng aktor na si Julia Barretto, pamangkin ni Gretchen sa kapatid niyang si Marjorie Barretto.

Hindi malinaw kung may komunikasyon din si Gretchen kay Julia.

Pero minsan nang naiulat na mahigit apat na taon nang may hidwaan ang magkapatid na Gretchen at Marjorie.

Noon lang March 2019, naging laman ng balita ang Barretto sisters dahil sa kontrobersiya sangkot ang anak ni Marjorie na si Dani Barretto.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nag-uusap sina Marjorie at Gretchen.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo posts on Instagram a snapshot of the flowers she got from former Magkaribal co-star Gretchen Barretto.
PHOTO/S: @tingduque / @juansarte Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results