Joshua Garcia chooses to focus on work after breakup with Julia Barretto

by Arniel C. Serato
Jul 26, 2019
Joshua Garcia after breakup with girlfriend Julia Barretto: "Ako po ay okay na okay naman po ako.”
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @juliabarretto on Instagram

Tuloy pa rin ang takbo ng buhay para sa aktor na si Joshua Garcia, 21, matapos ang hiwalayan nila ng girlfriend na si Julia Barretto, 22.

Umabot din sa dalawang taon ang relasyon ng dalawang Kapamilya stars.

Kumusta na si Joshua ngayon?

"Ako po ay okay na okay naman po ako," matipid na sagot ni Joshua sa Q&A portion sa grand media conference ng The Killer Bride kagabi, July 25.

Hindi tuwirang mausisa ng press si Joshua tungkol sa breakup nila ni Julia dahil mahigpit ang bilin na tungkol lamang sa upcoming primetime series ng ABS-CBN isentro ang mga katanungan sa cast.

Kaya naman naging malikhain ang nagtanong na reporter kay Joshua tungkol sa pagpapatuloy ng kanyang buhay ngayong single na siya muli.

Sabi pa ng binata, “A, masaya lang po kasi ako ngayon, e.

“Kumbaga, haharapin ko siguro yung araw na siguro magiging passionate ka sa trabaho mo, kasi puro trabaho lang naman talaga ako recently.

Continue reading below ↓

“So, malayo yung iniisip ko, nasa trabaho.”

Noong June 28, 2019 ay isinapubliko nina Joshua at Julia na balik muna sila sa pagiging “bestest of friends.”

Pero Mayo pa lamang ay maingay na ang usap-usapang hiwalay na sila .

Ngayon, iniuugnay ang pangalan ni Julia sa hiwalayang Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Ngunit itinanggi na ito ng kampo ni Julia, samantalang tahimik pa si Gerald sa isyu.

THE KILLER BRIDE

Ang The Killer Bride ay isang Gothic-suspense drama na senyales ng pagbabalik sa primetime ni Maja Salvador matapos ang isang taong pamamahinga pagkatapos ng Wildflower.

Ito ay tungkol sa isang pag-ibig na umiinog sa pagitan ng magkaaway na angkan sa pagitan ng mga karakter nina Maja at Geoff Eigenmann sa lugar na tinawag nilang Las Espadas.

Sa The Killer Bride rin bibinyagan ang bagong tambalan nina Joshua at Janella Salvador.

Continue reading below ↓

Mapapanood ang The Killer Bride ngayong Agosto sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Garcia after breakup with girlfriend Julia Barretto: "Ako po ay okay na okay naman po ako.”
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @juliabarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results