Maja Salvador refuses to meddle in Gerald Anderson-Bea Alonzo split

by Arniel C. Serato
Jul 26, 2019
Maja Salvador (on breakup of Gerald Anderson and Bea Alonzo: "Huwag na nating gatungan kasi, at the end of the day, lahat tayo, tao at nasasaktan."
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @andersongeraldjr / @beaalonzo on Instagram

Ayaw makisawsaw ni Maja Salvador sa hiwalayang Gerald Anderson at Bea Alonzo dahil masaya na raw siya sa kanyang buhay pag-ibig ngayon.

Si Maja ay ex-girlfriend ni Gerald.

Katunayan, isinama pa nga ang pangalan ni Maja sa isang meme ng Transportation Network Vehicle Services (TNVS) na Grab Philippines para sa kanilang promotion.

Sabi ng 30-year-old Kapamilya actress patungkol sa Grab meme, “Labas lang sila.”

Seryosong dagdag niya, “Ayoko nang sumali. Ayokong… masaya ako.

“Pero nandun lang, ayoko pong sumali. Ayokong sumagot.

“Uhm, wala tayong… sa akin, kung puwede lang po, wala na ako diyan.”

Nakarelasyon ni Maja si Gerald mula 2013 hanggang 2015.

Dahil sa kontrobersiya sa hiwalayan nina Gerald at Bea pagkatapos ng halos tatlong taong relasyon, maraming pangalan ang nakakaladkad sa istorya, kabilang na si Julia Barretto.

Si Julia ay nakahiwalayan lang din kamakailan ang boyfriend na si Joshua Garcia, na co-star ni Maja sa The Killer Bride.

Continue reading below ↓

Pero, dumistansiya si Maja rito.

Paliwanag niya, “Sana hayaan natin silang lahat mag-heal.

“Dahil hindi madali ang may mga pinagdadaanan.

“So, huwag na tayo sumabay.

“Huwag na nating gatungan kasi, at the end of the day, lahat tayo, tao at nasasaktan.

“At marami tayong mga bagay na mas kailangan pang asikasuhin, mas importante.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang reporters si Maja sa grand mediaconference ng pagbibidahan niyang serye sa ABS-CBN, ang The Killer Bride, Huwebes ng gabi, July 25.

Ito ang kanyang pagbabalik-primetime sa Kapamilya Network pagkatapos ng matagumpay na pagbibida niya sa Wildflower.

“HAPPIEST DISPOSITION”

Sa ngayon daw ay nasa rurok ng kasiyahan ang nararamdaman ni Maja sa kanyang puso.

Aniya, “Sabi ko nga po, nasa happiest disposition ng buhay ko.”

Naniniwala ba siya sa mga nagsasabing kailangang may matanggal na mali sa buhay mo upang mahanap mo ang tamang tao pa sa iyo?

Continue reading below ↓

Tugon ng dalaga, “Ako po, sabihin na natin... huwag naman mali, kasi minsan hindi mo alam.

“Akin kasi, parang kapag minahal mo naman ang tao, paano siya magiging pagkakamali, e, choice mo din naman yun.

“May natutunan. Baka yun, pero baka... pero huwag nating tawaging mali.”

Diin pa niya, “No, kasi ano naman ako, choice ko din naman yun.”

Sa tingin ba ni Maja ay ang boyfriend niya ngayong si Rambo Nuñez na ang kanyang forever?

Nakangiting tugon ng aktres, “Basta nandito siya sa puso ko. Ipag-pray po natin yun.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maja Salvador (on breakup of Gerald Anderson and Bea Alonzo: "Huwag na nating gatungan kasi, at the end of the day, lahat tayo, tao at nasasaktan."
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: @andersongeraldjr / @beaalonzo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results