Did Angel Locsin, Bela Padilla, Angelica Panganiban unfollow Julia Barretto on Instagram?

by Arniel C. Serato
Jul 27, 2019
A quick check on the Instagram accounts of Angel Locsin, Bela Padilla, and Angelica Panganiban show that they are currently not following Julia Barretto's Instagram. Julia, however, is still following Bea Alonzo.
PHOTO/S: Courtesy: @therealangellocsin / @bela / @iamangelicap / @juliabarretto on Instagram

Kasunod ng kontrobersiya sa hiwalayan nina Gerald Anderson at Bea Alonzo, nagsanga-sanga na ang isyu tungkol sa breakup ng dalawa.

Nasangkot pa ang pangalan ni Julia Barretto sa hiwalayan na diumano ay third party sa isyu.

Mas lalo pa itong umingay dahil kakahiwalay rin lang ni Julia sa boyfriend nitong si Joshua Garcia.

Bilang suporta sa nangungulilang kaibigan, nagkaroon ng get-together ang mga kaibigan ni Bea na sina Angel Locsin, Angelica Panganiban, Janus del Prado, Paulo Avelino, JC de Vera, Bela Padilla, Ejay Falcon, Ivana Alawi, Ketchup Eusebio, at si Dreamscape Entertainment Head Deo Endrinal.

Nangyari ito noong gabi ng July 23, dalawang araw matapos mag-post ni Bea ng isang cryptic message sa Instagram tungkol sa pangangaliwa.

May hashtag pa ang mga post nila na #ParaKayB.

Matapos nito, napansin naman ng netizens na tila in-unfollow daw ng ilang kaibigan ni Bea si Julia sa Instagram kabilang na sa kanila sina Angelica, Angel, Paulo, Bela, at Loisa Andalio.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Napansin din ng ilan na parang in-unfollow din daw ni Julia ang mga nasabing kaibigan ni Bea.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ngunit, naka-follow pa rin si Julia kay Bea.

Continue reading below ↓

Kahapon, July 26, nagsalita na rin si Bea sa tungkol sa nabalitang hiwalayan nila ni Gerald.

Tinanong ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe, kung alam ba niya ang tungkol sa balitang umamin na umano si Gerald na hiwalay na sila ni Bea.

Namangha sa tanong, sumagot si Bea ng, "To my understanding, we did not break up. He just started not talking to me."

Binansagan tuloy ng netizens na "ghosting" ang ginawa ni Gerald kay Bea, na naging topic pa ng isang post ni Paulo Avelino.

"Na Bea Alonzo ka na ba bes? #ghosting," post ni Paulo sa kanyang Twitter account.

Sa lahat ng ito, nanatiling tikom ang bibig ni Gerald sa isyu.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A quick check on the Instagram accounts of Angel Locsin, Bela Padilla, and Angelica Panganiban show that they are currently not following Julia Barretto's Instagram. Julia, however, is still following Bea Alonzo.
PHOTO/S: Courtesy: @therealangellocsin / @bela / @iamangelicap / @juliabarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results