Gretchen Barretto comments on sister Claudine post, asks if she's referring to "mother daughter team"

by Justine Punzalan
Jul 28, 2019
Claudine Barretto (left) posts, "I'm Done! I can only do and take so much." Gretchen Barretto (right, with Claudine) asks, "Is it the mother daughter team?"
PHOTO/S: @claubarretto on Instagram

Kahapon ng gabi, July 27, nag-post si Claudine Barretto sa kanyang Instagram ng katagang ito: "Oh, I'm sorry. I forgot I only exist when you need something."

Isinulat din niya sa kanyang caption, "I’m Done! I can only do and take so much."

Naka-like naman ang ate ni Claudine na si Gretchen Barretto sa post na ito at nag-iwan pa ng comment:

Continue reading below ↓

"CORRECT. DO NOT ALLOW OTHERS TO ABUSE YOUR KINDNESS. Is it the mother daughter team [rolling on the floor laughing emoji]"

Hindi man tinukoy ng mag-ate kung sino ang "mother daughter team" na ito, may ilang followers ang nagpalagay na ang kapatid nina Claudine at Gretchen na si Marjorie Barretto ang topic ng dalawa.

Continue reading below ↓

Sabi ng isang fan, "@gretchenbarretto @claubarretto pagkatapos nyong palamunin at binigyan ng tirahang ilang taon, ngayon dahil nakaluwag luwag na sila kinalimutan na kayo... Galawang @marjbarretto [rolling on the floor laughing emoji]"

Kasalukuyang nasasangkot si Marjorie sa issue ng hiwalayang Gerald Anderson at Bea Alonzo, kung saan inaakusahang third party ang anak nitong si Julia Barretto.

Continue reading below ↓

Patuloy ang pagtatanggol ni Marjorie sa anak sa pamamagitan ng kanyang Instagram posts at comments.

Nasa comments wall din ng post ni Claudine ang pasasalamat naman ng isang fan ni Bea.

Sabi ng fan,"@gretchenbarretto love it [smiling emoji] now I know kung saan ang pinaghuhugutan ng galit ni la Greta. Thanks for supporting @beaalonzo [face blowing a kiss emoji]"

Continue reading below ↓

Noong July 25, ibinahagi ni Bea sa kanyang Instagram stories ang bulaklak na pinadala sa kanya ng 49-year-old actress.

Kalakip nito ay isang note na nagsasabing, "Sending you love.

"Love, Ate Gretchen"

FOLLOWERS DIVIDED ON CLAUDINE, GRETCHEN POSTS

Nagpalitan ng mga komentong sumusuporta at kumokontra ang followers ng post na ito ni Claudine.

Sabi ng isang sumusuporta, "Hi Ate Clau! I hope you’re okay ate. I think that’s the right thing to do, staying away from the people who only knows [how to] to take advantage [of you], one is enough! Your IG quote uplifts everyone tonight!"

May ibang nagpahiwatig ng pagmamahal at nagpadala pa ng heart icons bilang suporta kay Claudine.

Continue reading below ↓

Sabi naman ng isang tagahanga ni Gretchen, "@gretchenbarretto gusto ko talaga pagiging direct ni La Greta [thumbs up emoji]"

Komento ng isa pang fan, mistulang blind item daw ang "mother daughter team" comment ni Gretchen.

Para naman sa mga naniniwalang si Marjorie nga ang pinatutungkulan nina Claudine at Gretchen at kontra sa pang-aaway ng dalawa rito, heto ang ilang posts ng pagtuligsa sa dalawa: "@gretchenbarretto Grabeh ate you are still blood related, seems you are celebrating of their downfall... Shame on you ateh."

Continue reading below ↓

"@gretchenbarretoo Pls. manahimik na [kayo]" komento naman ng isa pa.

GRETCHEN PREFERS TO HAVE CLAUDINE ONLY

Mahigit na anim na taon na ang nakalipas simula noong nagkawatak-watak ang Barretto sisters dahil sa mga nagkapatung-patong na hidwaan ng magkakapatid.

Noong Pebrero 16, 2019 ay ibinahagi naman ni Gretchen at Claudine sa kani-kanilang Instagram stories na sila ay nagkabati na.

Continue reading below ↓

Ito raw ay walang halong kapalastikan, sabi ni Gretchen.

Nag-upload din ng live video ang aktress sa kanyang Instagram account noong March 21, 2019 ukol dito.

Sabi niya na mas mabuti na raw na sila na lang ni Claudine ang magkabati.

Aniya, "Maybe it’s easier to have only her...

"I don’t want anyone to love me just because they need me or my money or anything like that."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto (left) posts, "I'm Done! I can only do and take so much." Gretchen Barretto (right, with Claudine) asks, "Is it the mother daughter team?"
PHOTO/S: @claubarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results