Herlene 'Hipon Girl' Budol: "Si God, ginawa si Sir Wil para sa akin."

by Jojo Gabinete
Jul 29, 2019
Herlene 'Hipon Girl' Budol on flying for the first time: "Maraming first time, kagaya sa eroplano. "Dati sa tricycle lang ang sinasakyan ko, saka mga jeep, pedicab. Ngayon, naka-airplane na ako, private airplane."
PHOTO/S: Herlene Budol Instagram

SINGAPORE - Naaliw si Herlene Budol aka Hipon Girl, ang co-host ni Willie Revillame sa Wowowin, dahil sa pangalawang pagkakataon ay naranasan niyang magpainterbyu.

Nangyari ito sa contract signing ng popular television host para sa Wil To Play, ang bagong mobile app na joint project ng Synergy88 Philippines at August Media Holdings Singapore, sa Singapore kahapon, July 28.

Sabi ni Herlene sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), isang beses pa lamang siya nainterbyu, pero sandaling-sandali lang.

Lumabas ito sa 24 Oras, ang news program ng GMA-7.

LIFE BEFORE WOWOWIN

Nakuha ni Herlene ang atensiyon ng publiko nang sumali siya noong May 2019 sa "Wil of Fortune," isa sa mga sikat na game segment ng Wowowin.

"Hindi ako sure," sagot ni Herlene nang itanong ni Willie kung seksi siya.

"Sabi nila, seksi ka lang. Shrimp nga ang tawag nila sa akin.

"Di ba, kapag kakain ka ng hipon, tatanggalin mo yung ulo, kakainin mo yung katawan?" paliwanag ni Herlene.

Continue reading below ↓

Mula noon, "Hipon Girl" na ang bansag sa kanya.

Pero ito ang naging dahilan para maging regular co-host siya ng Wowowin.

Kumusta ang buhay niya bago siya naging co-host ni Willie?

Saad ni Herlene sa panayam ng PEP.ph, "Okey naman ang buhay ko, nakakakain ako ng tatlong beses isang araw.

Continue reading below ↓

"Pero siyempre, hirap. Hirap kung saan kukunin, kung saang lupalop ka kukuha ng pangkain…

"Dati kasi, raketera lang ako, hindi ako umaasa na sa isang buwan, meron akong ganito [suweldo].

"Ngayon kasi, regular na."

Ano ang masasabi ni Herlene tungkol kay Willie na nagbigay sa kanya ng malaking break sa telebisyon?

"Sobrang thank you ako. Sobrang thank you talaga ako kay Sir Willie.

"Parang... eto, ha, matagal ko nang nasa isip ito, God’s will.

"Siguro si God, ginawa si Sir Wil para sa akin."

Narinig na ba ito ni Willie?

"Hindi, sa akin lang yun," sambit ni Herlene.

"Sobrang sasabihin ko sa kanya na God’s will.

"Di ba, may kasabihan na God’s will?

"Si God, ginawa si Wil para sa akin."

FIRST TRIP ABROAD

Kasama ni Willie si Herlene, ang ibang mga co-host at ang production staff ng Wowowin sa kanyang contract signing sa Singapore dahil gusto niyang kabahagi sa lahat ng kanyang mga tagumpay ang mga katrabaho.

Continue reading below ↓

Hinding-hindi makakalimutan ni Herlene ang pagsasama sa kanya ni Willie sa Singapore dahil ito ang unang out-of-the country trip niya at unang beses na pagsakay sa eroplano.

Kuwento ng 19-year-old co-host ni Willie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Actually, lahat ng first time ko, sa Wowowin ko na-experience.

"Maraming first time, kagaya sa eroplano.

Continue reading below ↓

"Dati sa tricycle lang ang sinasakyan ko, saka mga jeep, pedicab.

"Ngayon, naka-airplane na ako, private airplane."

Hindi ba siya kinabahan sa unang pagsakay mo sa eroplano?

Sagot ni Herlene, "Hindi naman ako kabado. Ano lang, chill lang.

"Tamang nag-o-observe kung anong meron. Kung anong kakaiba dun sa eroplano.

"Parang nasagasaan namin yung mga ulap.

"Basta, kulay puti lang 'tapos nakikita ko na yung mga bahay mula sa itaas."

Ano ang pakiramdam dahil first airplane ride niya, private plane pa?

"Siyempre kakaiba. Hindi naman ako ganoong tao dati.

"Hindi ako nakakakausap ng malaking tao, 'tapos ngayon, nakakasakay na ako sa mga ganoon."

Masakit na masakit at parang magpapaltos ang mga paa ni Herlene nang makausap ng PEP.ph dahil sa bagong pares ng sapatos na suot kaya hirap na hirap siya sa paglalakad.

Ikinuwento ni Herlene na wala siyang dalang high-heeled shoes para sa Wil To Play contract signing ni Willie, kaya ipinag-shopping ng TV host sa Singapore ng sapatos ang lahat ng kanyang mga co-host sa top-rating game program ng GMA-7.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene 'Hipon Girl' Budol on flying for the first time: "Maraming first time, kagaya sa eroplano. "Dati sa tricycle lang ang sinasakyan ko, saka mga jeep, pedicab. Ngayon, naka-airplane na ako, private airplane."
PHOTO/S: Herlene Budol Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results