Catriona Gray posts cryptic message about feeling down, overwhelmed

by Rachelle Siazon
Jul 29, 2019
Miss Universe 2018 Catriona Gray posts cryptic message about feeling "really low in my spirit" for the last couple of weeks.
PHOTO/S: catriona_gray Instagram

Anong pagsubok kaya ang pinagdadaanan ngayon ni Miss Universe 2018 Catriona Gray?

Inamin ni Catriona na ilang linggo na siyang pinanghihinaan ng loob dahil sa kung anumang pinagdadaanan niya.

Hindi malinaw kung may personal o work-related ang kinahaharap niyang problema.

Sa Instagram post ni Catriona ngayong Lunes, July 29 (Philippine time), sinabi ng beauty queen na pinatatatag na lang niya ang kanyang kalooban.

"It's been a really challenging last couple of weeks, I've felt really low in my spirit.

"I just wanted to write this post to share that low moments happen to all of us.

"When I find myself feeling down and overwhelmed; where things are out of my control, it helps to remind myself that the only person I can control is myself, to count all the things I have to be grateful for and to plan and look forward to the dawn of a new day."

Nagbigay-inspirasyon din si Catriona sa ibang netizens na nakaka-relate sa kanya.

Continue reading below ↓

Aniya, "so if you're feeling down in the dumps, you're never alone.

"Situations and life are tough...but so are you."

Sa huli, humirit si Catriona na daanin na lang ang problema sa awra, tulad ng kanyang signature lava walk.

"#KeepCalmAndLavaWalk," saad sa hashtag ng post niya.

https://www.instagram.com/p/B0ejqwngw3R/

"GALAWANG CHAVIT" VIRAL VIDEO

More than a week ago, nadawit si Catriona sa viral video kasama ang businessman at Narvacan, Ilocos Sur mayor na si Chavit Singson.

Sa 10-second video, mapapansing muntik napasandal si Chavit sa balikat ni Catriona dahil marahil sa tinding antok.

Pero nagising din agad si Chavit nang tiyempong mapalingon sa kanya ang bahagyang natawang si Catriona.

May mga netizen na nagbirong "galawan moves" umano ang aktong pagsandal sana ni Chavit sa Miss Universe 2018 beauty queen.

GRACEFUL DESPITE ONLINE BASHING

Noong first week of July ay naiulat din ang pagtawag na "fat" ni Thai beauty queen Coco Arayha Suparurk kay Catriona.

Continue reading below ↓

Tumangging magbigay ng public apology ni Suparurk hangga't hindi raw siya direktang padalhan ng mensahe ni Catriona.

Walang direktang pahayag si Catriona sa isyu.

Pero noong July 14, malaman ang mensahe ni Catriona na hindi tamang abusuhin ang freedom of expression para manira at mam-bully ng ibang tao sa social media.

Pinayuhan din ng Pinay beauty queen ang isang netizen na namomroblema sa kanyang body weight, na mas mahalaga ang magandang pakikitungo sa ibang tao kaysa pisikal na hitsura.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2018 Catriona Gray posts cryptic message about feeling "really low in my spirit" for the last couple of weeks.
PHOTO/S: catriona_gray Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results