Bea Alonzo thanks Claudine Barretto for sending her flowers 

by Rachelle Siazon
Jul 29, 2019
PHOTO/S: Instagram

Nagpasalamat si Bea Alonzo sa ipinaabot na suporta sa kanya ni Claudine Barretto ngayong Lunes ng hapon, July 29.

Ipinakita ni Bea sa kanyang Instagram Stories ang litrato ng flowers na bigay ni Claudine sa kanya.

May kasama itong handwritten note na "Love and more Love" mula kay Claudine.

Sabi naman ni Bea, "Thank you ate! @claubarretto"

Continue reading below ↓

Malinaw na nakarating kay Claudine ang pinagdadaanang heartbreak ni Bea, base na rin sa pag-iwan ni Claudine ng mensahe sa Instagram post ni Bea.

Pinaalalahanan ni Claudine si Bea na "you are loved."

Marahil ay nalaman ni Claudine sa kapatid niyang si Gretchen Barretto ang tungkol sa pinagdadaanang pagsubok ni Bea.

Noong nakaraang linggo ay nauna nang nagpadala si Gretchen ng flowers sa Eerie star.

CLAUDINE AND GRETCHEN'S BLIND ITEM

Noong Sabado ng gabi, July 27, lumikha rin ng usap-usapan sa social media ang mala-blind item na Instagram post ni Claudine tungkol sa isang unnamed person, na naaalala lang daw siya kapag may kailangan ito sa kanya.

Dagdag pa rito ang comment ni Gretchen na nagpahiwatig na may kinalaman ang naturang cryptic post sa isang "mother daughter team."

Sa comments' section, may ilang netizens ang nanghula na posible umanong ang kapatid nina Gretchen at Claudine na si Marjorie Barretto ang tinutukoy ng mga ito.

Continue reading below ↓

Mula noong nakaraang linggo, makailang-beses dinepensahan ni Marjorie ang anak na si Julia Barretto sa hiwalayan ng magkasintahang sina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Kapansin-pansin na ang magkapatid na Gretchen at Claudine ay parehong nagpaabot ng suporta kay Bea at hindi sa pamangking si Julia.

BARRETTO SISTERS FEUD

Sa kabilang banda, nitong nagdaang weekend ay panay rin ang post ni Marjorie ng mga litrato kasama ang mga anak at ibang kaanak.

Tikom ang bibig ni Marjorie sa gitna ng hindi pagpaparamdam ng suporta ng mga kapatid niya sa kanya.

Hindi kaila sa publiko na matagal nang may sigalot sa pagitan ng magkapatid na Gretchen at Marjorie.

Mula nang magkaayos sina Gretchen at Claudine noong Pebrero, mas napadalas ang pagkikita nilang dalawa at hindi na rin nakikitang nakakasama ni Claudine ang kapatid na si Marjorie.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results