Lea Salonga not offended by wrong introduction in a UK newscast

by Bernie V. Franco
Jul 30, 2019
Broadway star Lea Salonga fondly recalls the incident where a UK newscast made a mistake in introducing her.
PHOTO/S: Bernie Franco

Natawa na lamang si Lea Salonga nang alalahanin ang maling pagpapakilala sa kanya sa isang news program sa United Kingdom ilang linggo na ang nakalilipas.

Sa July 5, 2019 episode ng Sunrise, isang morning news program ng Sky News sa United Kingdom, ipinakilala si Lea bilang si Anna Hughes, isang environmentalist.

Saglit na nagkaroon ng kalituhan sa pagitan ni Lea at ng news anchor na si Stephen Dixon.

Kalmadong paglilinaw ni Lea: “I am not Anna Hughes, I’m sorry.

"I don’t know what’s going on. I am not Anna Hughes, sorry about that."

Nag-guest doon si Lea para i-promote ang kanyang concert tour sa United Kingdom.

LEA IS NOT OFFENDED

Hindi maiwasan ng Pinay Broadway superstar na matawa nang matanong at alalahanin ang nangyaring blooper.

“My thinking is, well, if it’s going viral, then hopefully that means people would be interested in my tour, so it was a blessing,” nangingiting kuwento ng singer-actress sa press conference ng Lea Salonga Perfect Ten, na ginanap sa Wolfgang’s Steakhouse sa Resorts World Manila, ngayong July 30, Martes.

Continue reading below ↓

Hindi ba siya nainsulto sa maling introduction sa kanya?

Sagot ni Lea, “No, not at all.

“You can’t take offense at things like that.

“There are things to be offended by. That’s not one of them.

“And it could happen to anybody, so it’s okay, it’s fine.”

May payo rin ang original Miss Saigon star para hindi na maulit ang ganitong pangyayari.

“Make sure you know who your guests are!” sabi ni Lea habang natatawa.

HAPPY FOR ZEPHANIE

Nagbigay rin ng pahayag si Lea tungkol sa pagkapanalo ni Zephanie Dimaranan bilang grand winner ng Idol Philippines nito lamang Linggo, July 28.

Saad ng The Voice coach, “I’m very happy for Zeph.

“We first met Zeph on The Voice Kids and her ending on the show was really dramatic and painful, but she did fine.

Continue reading below ↓

“She’s really grown up beautiful and her voice is still really clean and crystal clear.

“She has a very bright future.”

Si Zephanie ay naging protégé ng coach na si Sarah Geronimo sa The Voice Kids noong 2015.

Si Elha Nympha, na protégé ni Bamboo, ang itinanghal ng grand winner ng naturang edisyon.

Samantala, ang Lea Salonga Perfect Ten concert ay gaganapin sa Newport Performing Arts Theatre sa August 30 at 31.

Ito ay bahagi ng selebrasyon ng 10th anniversary ng Resorts World Manila.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Broadway star Lea Salonga fondly recalls the incident where a UK newscast made a mistake in introducing her.
PHOTO/S: Bernie Franco
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results