Carlo Aquino, rumored girlfriend workout photos surface online

by Bernie V. Franco
Jul 31, 2019
Carlo Aquino's workout photos with rumored girlfriend Trina Candaza surface on social media following Angelica Panganiban's recent tweet that she has no plans of working again with the actor and ex-boyfriend.
PHOTO/S: @coachjeffchua on Instagram

Kasabay ng muling pag-ingay ng hidwaan ng dating magkasintahang Carlo Aquino at Angelica Panganiban, nag-leak sa social media ang mga larawan ng aktor at ng rumored girlfriend nitong si Trina Candaza.

July 30, Martes, nang ma-post ang mga larawan nina Carlo at Trina na magkasamang nagwo-workout sa isang gym.

Kahapon din ay ipinost ng fitness coach na si Jeff Chua sa Instagram Story ang larawan nina Carlo at Trina habang nagpa-planking, pero hindi kita ang mga mukha nila.

Sa caption ng coach ay mababasa ang salitang “together” at image ng isang puso.

Continue reading below ↓

May iba pang larawan sina Carlo at Trina na lumitaw sa social media.

Kahapon din ay nag-post sa Instagram si Trina ng mga larawan at videos habang nagwu-workout, ngunit hindi kasama si Carlo.

Pero kapansin-pansing pareho ang kanyang workout outfit sa mga larawang lumabas kung saan kasama niya si Carlo.

Continue reading below ↓

Tila indikasyon itong hindi pa kumportable si Trina na ibahagi sa publiko ang kung anumang namamagitan sa kanila ng aktor.

CARLO DATING A NON-SHOWBIZ GIRL

January 2019 nang unang kumalat sa social media ang larawan nina Carlo at Trina na magkasama habang nagbabakasyon sa La Union.

Around that time ay naging malinaw ang pagpaparamdam ng ex-girlfriend ni Carlo na si Angelica Panganiban sa social media na didistansiya na siya sa aktor at in-unfollow pa niya ito sa social media.

Ikinadismaya ito ng fans nina Carlo at Angelica, o CarGel, dahil December 2018 ay magkasama pa ang dalawa na nagdiwang ng Pasko.

Nang mag-reunite sina Angelica at Carlo sa pelikulang Exes Baggage noong September 2018, nabuhayan ng pag-asa ang fans ng dalawa at umasang magkakabalikan sila.

Naging makahulugan din ang mga pahayag ng dalawa sa guest appearances nila sa ABS-CBN shows sa promotion ng kanilang pelikula, na lalong nagpaasa sa CarGel fans.

Pero nasira ang kanilang pag-asa pagsapit ng January 2019 dahil biglang in-unfollow ni Angelica si Carlo sa Instagram. Sinabi rin ng aktres na didistansiya na siya sa aktor.

Continue reading below ↓

Pagkalipas ng ilang araw, lumabas sa social media ang mga larawan nina Carlo at Trina sa La Union.

Noong June 2, 2019, nag-post sa Instagram si Carlo upang ipagtanggol si Trina mula sa matinding pamba-bash ng netizens.

Nag-sorry si Carlo at inako ang lahat ng kasalanan, pero nakiusap na huwag idamay si Trina at ilang kaibigan na idinadawit sa hindi pagkakaintindihan nila ni Angelica.

CARLO’S REACTION TO ANGELICA’S TWEET

Pinag-usapan muli ang nakaraan nina Angelica at Carlo nitong July 28, Linggo, matapos sagutin ni Angelica ang tweet ng kanyang fans na humihiling na makita ulit sila ni Carlo sa isang proyekto.

Prangkang sagot ni Angelica: "Nope. Sorry. Spare me...

"Gusto kong maging mabuting tao. Pero ayokong maging bobo"

Kahapon naman, July 30, Martes, nagbigay ng reaksiyon si Carlo tungkol sa tweet ng dating girlfriend.

In-acknowledge ng aktor ang nararamdaman ni Angelica, pero mas nais daw niyang huwag nang pagliyabin pang lalo ang apoy.

Continue reading below ↓

“Huwag na natin siguro pahabain.

“Siguro yung emotions niya, valid yun.

"Kung yun ang nararamdaman niya, ibigay natin sa kanya,” bahagi ng pahayag ni Carlo sa presscon ng kanyang upcoming concert.

Inamin din ni Carlo na taos-puso na siyang nag-sorry kay Angelica, na nagsabing pinaasa umano siya ng aktor pero hindi raw nito napanindigan.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carlo Aquino's workout photos with rumored girlfriend Trina Candaza surface on social media following Angelica Panganiban's recent tweet that she has no plans of working again with the actor and ex-boyfriend.
PHOTO/S: @coachjeffchua on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results