Joshua Garcia, McCoy de Leon trade jokes about being single, "mapagmahal"

by Rachelle Siazon
Jul 31, 2019
Joshua Garcia, McCoy de Leon banter about having no girlfriend to give them the love they wish for.
PHOTO/S: Noel Orsal

Idinaan sa biruan ng Kapamilya actors na sina Joshua Garcia, 21, at McCoy de Leon, 24, ang pagiging single nila ngayon.

Nag-umpisa ito sa hugot tweet ni McCoy tungkol sa mga babaeng thoughtful sa kanilang boyfriends.

"Ang cute lang ng mga babaeng bumibili ng bagay na gusto ng boyfriend nila."

Hirit pa niya sa isang kaibigan, "Sana tayo rin pre no"

Continue reading below ↓

Sa puntong ito sumingit si Joshua, na tila naka-relate sa hugot ni McCoy at nagsabing siya na lang ang bibili ng regalo para rito.

"Ano ba gusto mo? Bili kita?"

Simple lang naman daw ang hiling ni McCoy.

"Pagmamahal lang pre kaso di pala nabibili yun hahah," kuwelang saad niya.

Continue reading below ↓

Humirit si Joshua na kayang-kaya niya ibigay iyon kay McCoy.

"Bigay ko nalang sayo, mapagmahal naman ako eh..."

Biro pa ni Joshua, "'Pare, mahal mo raw ako?'"

Hindi naman nagpahuli si McCoy pagdating sa kapasidad niyang magmahal ng karelasyon.

"You do note mapagmahal din ako pre," huling hirit ni McCoy, na kilala ring bahagi ng Hashtags, ang all-male group sa It's Showtime.

Continue reading below ↓

JOSHUA AND MCCOY'S EX-GIRLFRIENDS

Sina Joshua at McCoy ay naging malapit na magkatrabaho sa defunct ABS-CBN prime-time series na The Good Son.

Magkasama rin sila sa pelikulang Block Z, na pinagbibidahan ni Joshua at ex-girlfriend nitong si Julia Barretto.

Noon lamang April 2019 nagdiwang ng second anniversary ang magkasintahang Julia at Joshua.

Pero end of July 2019 nang kumpirmahin nilang hiwalay na sila.

Kasalukuyang nauugnay si Julia sa Between Maybes leading man nitong si Gerald Anderson.

Sa parte ni McCoy, huling napabalitang karelasyon niya ay ang dating leading lady na si Elisse Joson.

Nabuo ang kanilang magandang pagtitinginan nang sumali sila sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016, pero naghiwalay sila ng landas noong 2018 dahil diumano sa kawalan ng oras ni McCoy kay Elisse.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Garcia, McCoy de Leon banter about having no girlfriend to give them the love they wish for.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results