Gerald Anderson, Julia Barretto like same post about "two sides to every story"

by Arniel C. Serato
Jul 31, 2019
Gerald Anderson still mum about dating rumors with Julia Barretto.
PHOTO/S: Noel Orsal

Sa wakas ay nagparamdam na si Gerald Anderson sa kanyang followers matapos ang ilang araw na pananahimik mula nang pumutok ang hiwalayan nila ni Bea Alonzo.

Noong July 28, anim na araw matapos pumutok ang balita tungkol sa breakup nila ni Bea, nag-like si Gerald sa Instagram post ng isa niyang fan group, @geraldnaticxofficial, tungkol sa isyu.

Continue reading below ↓

Ang nilalaman ng post ay tungkol sa pagkakaroon ng dalawang bersiyon sa bawat istorya.

Nakasaad dito: “There’s always two sides to every story.

“If you’re unwilling to hear the other side, and only draw your conclusion from a half told story, then you’re choosing to be a manipulated fool.”

Sinamahan pa ito ng isang African proverb: “Until the lion learns to write, every story will always glorify the hunter.”

Continue reading below ↓

Kapansin-pansin naman na ni-like din ang nasabing post ni Julia Barretto.

Si Julia ang itinuturong third party sa hiwalayan nina Gerald at Bea.

Continue reading below ↓

Napansin din ng isang netizen ang parehong pag-like nina Gerald at Julia sa nasabing post.

STILL MUM ABOUT GHOSTING

July 21, 2019, nagsimulang umingay ang diumano’y tensiyong namamagitan sa magkarelasyong Bea at Gerald.

Nag-ugat ito sa kumalat sa social media na larawan nina Gerald at Julia na kuha nang dumalo sila sa 30th birthday celebration ni Rayver Cruz sa The Brewery, Bonifacio Global City, Taguig, noong July 20.

Continue reading below ↓

Sumunod dito ang pag-viral sa social media ng ilang anggulo ng larawan ng dalawa sa labas ng bar.

Lalong uminit ang espekulasyon na nagkaroon ng lamat ang relasyon nina Gerald at Bea dahil sa cryptic post ng aktres sa Instagram noong July 21, Linggo.

Dinepensahan naman ni Marjorie Barretto, ina ni Julia, ang larawan ng anak at ni Gerald dahil harmless photo lamang daw ito.

Sa third-party issue, kumampi naman ang dalawang tiyahin ni Julia na sina Gretchen at Claudine Barretto kay Bea.

Biyernes, July 26, nagsalita na sa wakas si Bea tungkol sa kanila ni Gerald.

Ayon sa Kapamilya actress, hindi sila nag-break ng aktor kundi hindi na lamang daw siya kinausap ng nobyo.

Ghosting” daw ang ginawa ni Gerald kay Bea, ayon sa netizens.

Nag-like man si Gerald sa post ng kanyang fan group, inaabangan pa rin ng publiko ang pahayag ng aktor sa isyung nililigawan daw niya si Julia habang sila pa ni Bea.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Anderson still mum about dating rumors with Julia Barretto.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results