Angelica Panganiban still thinks about John Lloyd Cruz; names Derek Ramsay as "pinakamasarap" among her ex-BFs

by Bernie V. Franco
Aug 1, 2019
Angelica Panganiban reveals her thoughts about ex-boyfriends John Lloyd Cruz (left) and Derek Ramsay (right).
PHOTO/S: @johnlloydcruztm on Instagram / Noel Orsal (Angelica and Derek)

Ibinunyag ni Angelica Panganiban kung sino sa kanyang mga ex-boyfriend ang naaalala pa rin niya hanggang ngayon at kung sino sa kanila ang “pinakamasarap.”

Ang tatlong naging kasintahan ng ABS-CBN actress ay sina Carlo Aquino, Derek Ramsay, at John Lloyd Cruz.

Sa video ng stylist at kaibigan ni Angelica na si Patty Yap, naglaro ng "Truth or Dare" ang dalawa.

Karamihan sa mga tanong sa aktres ay may kinalaman sa love life.

In-upload ang naturang video sa YouTube noong July 26, 2019.

THE EX-BF THAT ANGELICA STILL THINKS ABOUT

Tinanong si Angelica kung sino sa kanyang mga former boyfriend ang naaalala pa rin niya.

Sagot niya, “Yung pinakahuli, si John Lloyd.

"Kasi siya yung pinakahuli. Parang mas fresh kasi yung memories mo doon."

Paglilinaw ni Angelica, “Pero hindi na siya naaalala na, ‘Oh, my god, gusto kong mamatay.’

"Naalala mo lang, ‘Ay, kumain ako dito. Kasama ko nga noon si Lloydie.’ Parang ganoon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umusbong ang relasyon nina Angelica at John Lloyd nang magtambal sila sa pelikulang 24/7 In Love noong 2012.

Hindi nagtagal ay inamin nila ang kanilang relasyon.

June 2015 nang magkaroon ng usap-usapang break na sila.

Pero kinumpirma lang nila ang kanilang paghihiwalay noong May 2016, pagkatapos ng apat na taong pagsasama.

Paglilinaw pa ni Angelica sa video, wala nang halong kilig kapag naaalala niya si John Lloyd.

Tiniyak din ng Kapamilya actress na wala sinuman sa kanyang mga nakarelasyon ang naiisip pa niya sa pagtulog.

“Ay, hindi. Hindi na ako nakakaalala ng ganoon. Sa gabi, hindi na ako nakakaisip.

“Sa gabi, paghiga ko, tulog na ako,” paglillinaw niya.

WHO IS “PINAKAMASARAP” AMONG HER EX-BOYFRIENDS?

Sinagot din ni Angelica ang tanong kung sino sa kanyang former boyfriends ang “pinakamasarap.”

“Siyempre, kaya naman ako na-attract kay Derek dahil sa katawan niya,” prangkang pag-amin nito.

“Siya naman talaga yung ma-abs, ganyan.

“Pero tatlo lang naman kasi sila so parang, so far, siya lang naman ang may abs sa lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinumpirma ni Derek ang paghihiwalay nila ni Angelica noong May 2012 pagkatapos ng anim na taong relasyon.

ANGELICA ON SELF-LOVE

Naging malalim din ang mga binitawang pahayag ni Angelica pagdating sa pag-ibig.

Saad niya, “Grabe, ‘no, yung nagagawa sa iyo ng love.

“Puwede kang umabot sa hindi mo na alam yung worth mo ulit.

“Puwede mo kasi yung ma-gain, e.

“At puwede mo rin yun ma-lose kahit na anong pag-iingat mo, kaya dapat sobra mong stable pag nagmahal ka na.

“Dapat sure na sure ka kung gaano ka-important yung self mo para kahit anong sabihin sa iyo…” putol na ni Angelica sa sarili.

Pagkatapos ay inalala ng aktres ang mga masasakit na salitang natanggap niya sa dating karelasyon, pero patuloy pa rin daw niya itong minahal.

Hindi binanggit ni Angelica kung sino sa mga ex niya ang gumawa sa kanya nito.

“Realizing nung mga sinabi sa akin parang, ‘Oh, my god, oo nga, ‘no, parang sinabi pala yun sa akin noon.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Na-offend ako, pero hindi yun naging enough sa akin para magalit ako sa kanya."

Pagpapatuloy niya, “Mahirap magmahal kaya dapat nasa right state of mind ka.

“Kasi paano ka nga mamahalin ng ibang tao kahit kinakawawa [ka].

“Self-love na lang ang meron niyan, 'tapos magdadasal ka na lang talaga palagi at maging mabuting tao ka, at huwag kang gagawa ng harm."

THE LAST RELATIONSHIP

Ang pinakahuling naugnay kay Angelica ay si Carlo, na kanya ring first boyfriend.

Pero naging masalimuot ang pagtatapos ng muli nilang pagkukrus ng landas.

Muling na-link sina Angelica at Carlo noong 2018 matapos nilang mag-reunite para sa pelikulang Exes Baggage.

Marami sa kanilang fans, ang CarGel, ang nabuhayan ng loob at umasang magkakabalikan ang dalawa.

Pagkatapos ng kanilang pelikula noong September 2018, nagpatuloy ang magandang relasyon ng dating magkasintahan.

Sa katunayan, magkasama pa nilang ipinagdiwang ang Pasko.

Pero nag-iba ang ihip ng hangin pagsapit noong January 2019 nang i-unfollow ni Angelica si Carlo sa Instagram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-tweet din ang aktres na lalayuan na niya ang aktor.

Ilang araw lang ang lumipas pagkatapos mag-tweet si Angelica, lumabas sa social media ang mga larawan ni Carlo kasama ang isang non-showbiz girl habang nagbabakasyon sila sa La Union.

Kinilala ang babae bilang si Trina Candaza, na ngayon ay napababalitang kasintahan na ni Carlo.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban reveals her thoughts about ex-boyfriends John Lloyd Cruz (left) and Derek Ramsay (right).
PHOTO/S: @johnlloydcruztm on Instagram / Noel Orsal (Angelica and Derek)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results