Kris Aquino expresses support for Bea, Julia; takes a swipe at Gerald

by Bernie V. Franco
Aug 1, 2019
Kris Aquino (leftmost) sympathizes with Bea Alonzo (second from left) and Julia Barretto (third from left), and criticizes Gerald Anderson (rightmost) amid "ghosting" controversy.
PHOTO/S: Noel Orsal (Kris, Julia, Gerald) / Mark Atienza (Bea)

“Don’t pit them against each other."

Bahagi ito ng reaksiyon ni Kris Aquino bilang pagtatanggol kina Bea Alonzo at Julia Barretto kaugnay ng kinasasangkutang isyu ng dalawang Kapamilya actress.

Sangkot din sa isyu nina Bea at Julia ang aktor na si Gerald Anderson.

Kkamakailan ay nag-post si Kris sa kanyang Instagram account ng group photo, kung saan kasama niya si Erich Gonzales.

Sa comments section, isang netizen ang humiling kay Kris na tanungin si Erich tungkol sa hidwaan nina Julia at Bea.

Sabi ng netizen: “Kris, ask naman erich about the Julia-bea feud [laughing emojis] she’s bff with Julia [snake emoji] and friends with gerald.”

Continue reading below ↓

Si Erich ay itinuturing na anak-anakan ni Kris; habang kilalang close friend ni Erich si Julia.

Naging malapit naman si Kris kay Julia nang magkatrabaho sila sa pelikulang I Love You, Hater (2018), kung saan nakasama rin ang dating boyfriend ni Julia na si Joshua Garcia.

KRIS ON BEA-GERALD-JULIA ISSUE

Sumagot si Kris sa komentong ito ng netizen.

Pakiusap niya, huwag nang idawit pa si Erich dahil wala naman itong kinalaman sa isyu.

Kasunod nito ay ipinagtanggol ni Kris si Julia na sinisisi ng publiko sa pagtatapos ng relasyon nina Bea at Gerald.

Saad ni Kris, “obviously alam natin mahal ko si bea but diba unfair to judge julia because why do we always blame the girl?”

Sa kasunod niyang komento, malinaw na may patama si Kris kay Gerald.

“i can already feel the Gerald fans will blast me for this, but i have always told bimb, hindi mahirap maki break.”

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy na "Bimb" ni Kris ay ang bunso niyang anak na si Bimby.

Pagpapatuloy ng digital media star, “Respect someone you cared about enough to give them closure. then move on.

“Ganun lang ka-simple yun.

“Masakit ang goodbye pero mas masakit ang hindi worth a goodbye.

“So please respect women”

Bilang panghuli, nakiusap si Kris na huwag pagsabungin ang mga babaeng sangkot at hindi sangkot sa isyung ito.

Aniya, “And don’t pit them against each other. Even those with no issues.”

Continue reading below ↓

THE GHOSTING CONTROVERSY

July 21, Linggo, nang pumutok ang balitang may namamagitan umano kina Julia at Gerald dahil sa pagkalat ng mga larawan nila sa social media.

Ayon sa netizen na nag-post ng mga larawan, nakunan sina Gerald at Julia habang papunta sa parking area pagkatapos dumalo sa birthday celebration ni Rayver Cruz sa isang bar sa Taguig City.

Sinabi pa ng netizen na pumasok daw sa iisang kotse sina Julia at Gerald, at pinagtaksilan umano ng aktor ang girlfriend na si Bea.

Noong araw ring iyon ay may makahulugang post si Bea tungkol sa pag-ulit ng pagkakamali. Pinaniniwalaang patama ito ng aktres kay Gerald.

Sa isang interview noong July 26, 2019, sinabi ni Bea na wala silang formal breakup ni Gerald at bigla na lang daw hindi nakipag-usap sa kanya ang aktor.

Hanggang sa isinusulat ang balitang ito, hindi pa rin nagbibigay ng opisyal na pahayag si Gerald tungkol sa kinasasangkutang kontrobersiya.

Continue reading below ↓

Hindi rin direkta ang mga pahayag ni Julia tungkol sa isyu, pero karamihan sa kanyang posts ay may kinalaman sa hindi pagpapaapekto sa kaguluhan.

Todo naman sa pagtatanggol sa kanya ang inang si Marjorie Barretto at kapatid na si Dani Barretto.

Diin nina Marjorie at Dani, walang espesyal na namamagitan kina Julia at Gerald.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Aquino (leftmost) sympathizes with Bea Alonzo (second from left) and Julia Barretto (third from left), and criticizes Gerald Anderson (rightmost) amid "ghosting" controversy.
PHOTO/S: Noel Orsal (Kris, Julia, Gerald) / Mark Atienza (Bea)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results