Gerald Anderson, Julia Barretto show up for All-Star Games practice amid controversy

by Bernie V. Franco
Aug 1, 2019
Amidst the controversy that they are currently involved in, Gerald Anderson and Julia Barretto attend practice for an upcoming All-Star Games. Gerald and Julia serve as leaders of their respective teams.
PHOTO/S: Photo from @stareventsph on Instagram

Life must go on.

Tila ito ang mantra nina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Patuloy ang buhay para sa dalawang kontrobersiyal na ABS-CBN stars sa kabila ng kinasasangkutang isyu.

Sa recent photos na in-upload sa social media, makikita ang pag-eensayo nina Gerald at Julia para sa nalalapit na All-Star Games 2019.

Sa naturang event, maglalaban-laban ang koponan ng Kapamilya stars para sa basketball at volleyball.

Sina Gerald at Julia ay parehong team captain ng kani-kanilang koponan sa basketball at volleyball.

Si Gerald ang team captain ng Star Magic Warriors, at lalabanan nila ang It’s Showtime All Stars na pangungunahan naman ni Vice Ganda.

Si Julia naman ang captain ball ng kanyang volleyball team, kontra sa koponan na pangungunahan ni Kim Chiu.

Interestingly, dating boyfriend ni Kim si Gerald na nauugnay naman ngayon kay Julia.

GERALD AND JULIA ATTEND PRACTICE

Sa Instagram post ng @stareventsph ngayong hapon ng Huwebes, August 1, makikita si Gerald na nasa indoor court at may hawak na bola kasama ang kanyang teammates.

Continue reading below ↓

Sa isa pang larawan ay makikita ang aktor na nakangiti sa kasagsagan ng pag-eensayo.

Sa ilang kuha naman ay mapapansin na seryoso si Gerald sa practice.

Ang ilan sa teammates ni Gerald ay sina Zanjoe Marudo, Ronnie Alonte, at Donny Pangilinan.

Continue reading below ↓

Kahapon naman, July 31, nag-ensayo ng volleyball si Julia kasama ang kanyang mga kagrupo.

Mapapansin sa mga kuha ni Julia ang pagiging seryoso at tila focused sa pag-eensayo.

Continue reading below ↓

Ilan sa mga ka-teammate ni Julia ay sina Gretchen Ho, Loisa Andalio, at Pamu Pamorada.

Gaganapin ang naturang malaking All-Star Games match sa Araneta Coliseum sa August 25.

GERALD AND JULIA STILL MUM

Nananatiling tahimik si Gerald sa pinag-uusapang isyu nitong mga nakaraang araw, kung saan kumalat sa Instagram noong July 21, Linggo, ang mga larawan nila ni Julia na magkasama.

Ayon sa nag-upload ng photos, nakunan sina Gerald at Julia habang papuntang parking area, matapos dumalo sa birthday celebration ng isang kaibigan sa Taguig City.

Sinabi pa ng netizen na sumakay sa iisang kotse sina Gerald at Julia.

Inakusahan pa ng netizen si Gerald na nagtaksil sa girlfriend na si Bea Alonzo.

Si Bea ay nagpa-interview na noong July 26.

Sinabi ng Kapamilya actress na wala silang formal breakup ni Gerald at bigla na lang tumigil ang aktor sa pakikipag-usap sa kanya.

Hindi pa rin nagsasalita si Julia tungkol sa isyu, subalit may mga post ang dalaga tungkol sa hindi pagpapaapekto sa kaguluhan.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Amidst the controversy that they are currently involved in, Gerald Anderson and Julia Barretto attend practice for an upcoming All-Star Games. Gerald and Julia serve as leaders of their respective teams.
PHOTO/S: Photo from @stareventsph on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results