Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Barbie Imperial says she does not need closure after failed relationship

by Arniel C. Serato
Aug 1, 2019
Barbie Imperial chooses to stay single after breakup with Paul Salas: "Yung goal ko po ngayon ay gusto ko na talagang magkaroon ng bahay. So, as much as possible, ayoko munang may distraction, ganun."
PHOTO/S: Arniel Serato

Matagal nang naka-move on si Barbie Imperial sa hiwalayan nila ni Paul Salas.

“Okay naman po, happy, super,” sambit ng Kapamilya actress.

Sa ngayon, mas pinili niyang maging single matapos ma-link kay JM de Guzman, ang kanyang leading man sa dating ABS-CBN afternoon series na Araw Gabi.

Kumportable ba siyang single muna ngayon?

Tugon ni Barbie, “Well, siguro po depende.

“I mean, depende po siguro sa goals mo in life.

“Like ako, yung goal ko po ngayon ay gusto ko na talagang magkaroon ng bahay.

“So, as much as possible, ayoko munang may distraction, ganun.

“I mean, hindi naman po ako as totally wala, may nakakausap naman, ganun.

“Pero sa ngayon, I’m not ready to commit pa po, e, kasi ayoko munang ibigay ang lahat ng oras.

“Focus po muna sa work.”

Ano ang mga natutunan niya sa kanyang failed relationships?

Sagot ni Barbie, “Well, for me naman po, it happens naman talaga, e.

Continue reading below ↓

“And siguro, sa una, tatanungin mo kay God kung bakit nangyayari yun.

“And then, eventually, mare-realize mo na, ‘A, kailangan palang mangyari yun para maging ganito ako ngayon.’

“So, every time naman po may problems ako, parang sinasabi ko na lang na, ‘Okay, pini-prepare lang ako nito para sa future ko,’ ganun.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie sa launching ng sariling make-up line ni Ara Mina na Ara Colours sa Luxent Hotel, Quezon City, kahapon, July 31.

Continue reading below ↓

CLOSURE WITH EX-BOYFRIENDS

May closure ba siya sa dalawang nakarelasyon niya mula sa showbiz?

Mabilis na pagtanggi nito, “Isa lang, isa lang ex ko. Si Paul.

"Sa akin, hindi ako ma-closure na tao, hindi ko alam.

“I mean, sa akin lang po 'yan, ha.

“Kasi feeling ko, pagka break lang, ayoko ng closure, e.

“Kasi, parang feeling ko, lalambot lang ako na makikita ko siya.

“So, para sa akin, huwag na, huwag na mag-closure.

“'Tsaka tapos na din yun and, yun nga po, nakapag-usap na kami before na nag-sorry naman na sa isa’t isa.

“Feeling ko, enough na yun, wala nang point, 'Bakit pa tayo mag-uusap, hindi naman natin aayusin.'”

May closure din ba ang nangyari sa kanila ni JM?

“Wala, as in wala, 'tapos bigla lang, wala na,” sagot ni Barbie.

Nitong ilang araw lamang ang nakalipas, umamin ang Hashtags member na si Ryle Santiago na nagkaroon sila ng anim na buwang relasyon ni Barbie.

Continue reading below ↓

Ngunit, mga bata pa raw sila noon at hindi masyado nalaman ng publiko.

FRIENDSHIP WITH ARA MINA

Hindi lang best friend ang turing ni Barbie kay Ara Mina kundi parang kapatid na rin niya.

Lahad niya, “Ano po, si Ate Ara po kasi para siyang kapatid and mommy ko, e.

Continue reading below ↓

“It all started po nung first day ni Ate Ara sa Araw Gabi.

“'Tapos parang nagtatanong lang po ako sa kanya about stuff, 'tapos in-advis-an niya po ako, 'tapos lagi na po akong nagtatanong sa kanya.

"Kasi lahat po ng in-advice niya sa akin, sobrang nakaka-help talaga.

“So, after nun, sobrang naging close na po kami, like, sabay na kaming nagdyi-gym.

“Kahit ano, lahat, sabay na, bonding na.”

Isa pa raw sa hinahangaan ni Barbie kay Ara ay ang pagbibigay nito ng tamang payo.

"Totoo, sobra," sambit niya.

"As in, hindi po siya yung... yung iba po kasi, parang pag nag-o-open up ka, parang pag nag-a-advice, hindi naman mali, pero hindi naman makapagpababa sa 'yo.

“Kapag si Ate Ara kasi, kahit alam niya na masakit, basta alam niya gagawin akong better person, yun yung sasabihin niya."

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Imperial chooses to stay single after breakup with Paul Salas: "Yung goal ko po ngayon ay gusto ko na talagang magkaroon ng bahay. So, as much as possible, ayoko munang may distraction, ganun."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results