Paulo Avelino reveals he's a suicide-attempt survivor

by Jet Hitosis
Aug 1, 2019
Paulo Avelino reveals to his Twitter followers that he once attempted suicide.
PHOTO/S: Noel Orsal

Ginulat ni Paulo Avelino ang kanyang Twitter followers matapos amining dumanas siya ng matinding depression, na nauwi sa tangka niyang pagpapakamatay, ilang taon na ang nakararaan.

Sa serye ng kanyang tweets “to let loose thoughts” pasado alas-singko ng umaga ngayong Huwebes, August 1, inalala ni Paulo ang isang malapit niyang kaibigan na nagpakamatay noong 2018.

Una sa serye ng tweet ni Paulo, “I’ll let this out to the universe since I promised not to keep heavy feelings to myself.

“One of my closest friend committed suicide last year and no one saw it coming.”

Continue reading below ↓

Inilarawan ng 31-anyos na aktor ang kanyang kaibigan na “my go to person.”

Idinetalye rin ni Paulo kung paanong lagi itong nakaalalay sa kanya sa panahong dumaranas siya ng matinding kalungkutan.

“A lot of time, I would call him late in the evening feeling so low and he would travel miles just to keep me company and make sure I was in my right mental state to continue [on] with life, constantly reminding me how privileged I am compared to alot of people.”

Sinabi pa ni Paulo na pinayuhan din siya ng kaibigan na kailangan nitong makita na lumaki ang anak, pagtukoy sa anak ng aktor kay LJ Reyes na si Ethan Akio o Aki.

Continue reading below ↓

July 2010 nang isinilang ni LJ si Aki, sa panahong hindi na magkarelasyon ang aktres at si Paulo.

Sa sumunod na tweet ni Paulo, inamin niyang siya mismo ay nagtangkang kitlin ang sariling buhay.

Pag-amin niya, “A few years back I tried (attempted) committing suicide. I survived.

"No one really knew aside from my closest friends and he was one of them."

Continue reading below ↓

Hindi nagbigay ng detalye ang aktor, bagamat ikinuwento niyang naospital siya sa kanyang suicide attempt.

Ang hindi pinangalanang kaibigan din ang isa sa mga nagbantay sa kanya sa ospital “just to make sure I wasn’t stupid enough to do it again.”

“He would switch shifts with a friend to stay with me in the hospital and even when I got discharged, just to make sure I wasn't stupid enough to do it again.”

“Then it happened,” post ni Paulo bilang pagtukoy sa pagpapatiwakal ng kanyang kaibigan.

Continue reading below ↓

PAULO'S REALIZATIONS

Ibinahagi rin ni Paulo sa kanyang post ang realization niya sa nangyari.

“All the time I needed support from my friends they were there.

“I was selfish.

“I demanded time and a part of their emotional state to flow along with mine.”

Nagbigay rin ang aktor ng mensahe sa kanyang namayapang kaibigan:

“I SAW IT COMING. That one message you sent the night before you passed away I brushed off in a joking manner.

Continue reading below ↓

“All those messages and time I selfishly demanded are now regrets and baggages I would carry my whole life.

“THANK YOU! I HOPE YOU ARE RESTING PEACEFULLY.

“I am living because of the hope and wisdom you engraved in me.”

Continue reading below ↓

Nagpaabot naman ng suporta at pagmamahal kay Paulo ang ilan sa kanyang 2.1 million followers, at pinaalalahanan siyang hindi niya dapat sisihin ang sarili sa nangyari sa kaibigan.

Continue reading below ↓

Pasado 6:00 ng gabi ngayong Huwebes, mayroon nang mahigit 4,200 retweets at 15,000 likes ang nasabing post ni Paulo.

Kilala ang aktor sa pagpapanatiling pribado sa mga detalye ng kanyang personal na buhay.

Sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Marso 2013, sinabi ni Paulo na sobra niyang pinapahalagahan ang kanyang private life ng mga panahong iyon.

“Yung akin lang po kasi, that’s the only thing that I treasure now—my private life.

“Kumbaga, alam naman na po ng buong Pilipinas ang mga nangyayari sa akin, alam naman po nila, e," sabi ni Paulo, na noon ay mistulang umiiwas sa mga katanungan tungkol sa anak nila ni LJ.

“Kumbaga, I think it’s time na I kept quiet also and treasure things that I… na hindi ko mahanap ang tamang salita.

"Pero I just want to treasure my private life," sinabi ni Paulo noong mga panahong iyon.

Continue reading below ↓

May handang makinig at tumulong sa mga taong dumaranas ng depression. Tumawag sa mga hotlines ng The Hopeline Project sa (02) 804-HOPE (4673), sa 0917 558 HOPE (4673), o sa 2919 (toll-free number sa lahat ng Globe at TM subscribers).

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paulo Avelino reveals to his Twitter followers that he once attempted suicide.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results