Chelsea Robato insists she was not a third party in Benjamin Alves-Julie Anne San Jose split

by Jet Hitosis
Aug 2, 2019

Sinagot ng bagong girlfriend ni Benjamin Alves na si Chelsea Robato ang diretsahang akusasyon ng isang netizen na posibleng siya ang “third party” sa hiwalayan ng aktor at ni Julie Anne San Jose.

July 29, 2019 nang i-post ng model-blogger-businesswoman sa Instagram ang litrato niya, habang nakangiti at kayakap si Benjamin.

Continue reading below ↓

May caption na “perfect timing,” ipinost ni Chelsea ang naturang litrato matapos kumpirmahin ni Benjamin, sa isang naunang post, na may relasyon na nga sila.

Caption ni Benjamin, “I didn't find a perfect moment, because I think that today was just about just having today.

“And I think that we are one of those couples with a long story, when people ask how they found each other. I will see her every now and then.

“And maybe one year she'll be with somebody, and the next year, I'll be with somebody, and it's gonna take a long time.

“And then it's perfect.”

Continue reading below ↓

NETIZEN ACCUSES CHELSEA OF BEING A THIRD PARTY

Parehong umani ng mga pagbati at positibong komento ang hiwalay na posts ng new couple.

Gayunman, isang netizen ang diretsahang nagkomento sa post ni Chelsea, at nagbintang sa huli na naging dahilan ng hiwalayan nina Benjamin at Julie Anne.

“Ikaw siguro 3rd party ni Benjamin Kaya naghiwalay sila ni Julie Anne noh (angry emoji),” comment ng netizen.

Continue reading below ↓

Sinagot ito ni Chelsea: “Stop making things up and ASSUMING.

"I was never a third party, I have morals and I would not talk to a guy who has a girlfriend.

"Don’t even try to pin that on me."

Kaagad namang sinegundahan ni Benjamin ang sagot ng girlfriend at sinita ang netizen.

Continue reading below ↓

Buwelta ng Kapuso actor, “Hey, what you’re saying couldn’t be farther from the truth.

"Please be mindful of what you say, lest you want serious consequences for your defaming someone."

Ipinagtanggol din ng ilang kaibigan si Chelsea laban sa naturang netizen, na hindi na sumagot pa.

Continue reading below ↓

BENJAMIN AND JULIE ANNE’S BREAKUP

Nobyembre 2018 nang umugong ang mga balitang hiwalay na sina Benjamin at Julie Anne matapos ang dalawang taong relasyon kasunod ng pag-unfollow nila sa isa’t isa sa Instagram.

Gayunman, Enero 2019 na kinumpirma ni Julie Anne na hiwalay na nga sila ng aktor.

Mayo 2019 naman nang magsalita si Benjamin tungkol sa hiwalayan, pero pareho nilang hindi idinetalye ang dahilan ng breakup.

July ngayong taon naman nang maging kapansin-pansin ang palitan ng sweet posts nina Benjamin at Chelsea sa social media, kasama na ang ilang litrato nilang magkasama.

Parehong isinilang sa Guam, magkasama pang dumalo sina Benjamin at Chelsea sa selebrasyon ng 75th Liberation Day ng Guam noong July 21.

Continue reading below ↓

Si Chelsea ay naging contestant sa ABS-CBN romantic reality show na I Do noong 2014, kasama ang ex-boyfriend niyang si Christian Busby.

Na-link din si Chelsea kay Clint Bondad, matapos gumawa ng ingay ang pagsasama sa kanya ng model-turned-actor sa premiere night ng pelikulang Maledicto, April 29 ngayong taon.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chelsea Robato answers netizen who accused her of being the third party in Benjamin Alves-Julie Anne San Jose breakup.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results