Alex Castro reveals reason why he did not reach superstar status

by Rommel Gonzales
Aug 3, 2019
Alex Castro: "Siguro kahit matagal na ako sa industriya, hindi ko inabot yung level na superstar, kasi hati po talaga yung aking… So hindi ko siya talaga in-aim."
PHOTO/S: Instagram

Pangalawang termino na ng Kapamilya actor na si Alex Castro bilang board member ng 4th District ng lalawigan ng Bulacan (Obando, Meycauayan, Marilao, Sta. Maria, at San Jose del Monte City).

Bago naging board member ay konsehal siya sa Marilao.

“Bago ako mag-councilor, nag-SK Federation. Five years akong nag-SK Federation, then two terms as councilor.

"Kumbaga, pag SK Fed ka kasi, councilor ka na rin," saad ni Alex nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launching niya bilang bagong celebrity endorser ng Beautederm Collection sa Seda Hotel, Vertis North, Quezon City, noong Linggo, July 28.

Naging abala sa nakaraang eleksyon, pero ngayon ay handa na si Alex mag-concentrate muli sa showbiz.

Nahihirapan ba siyang pagsabayin ang showbiz at politics?

Saad ng actor-politician, “Nung councilor ako, medyo napagsasabay ko pa siya.

"Nung nag-board member ako, binigyan ko talaga ng time yun, kasi bago, mas malaking responsibility.

"Kaya binigyan ko talaga ng time na maikutan, malaman ko kung ano yung dapat kong gawin.

Continue reading below ↓

“So ngayon, medyo gamay ko na dahil nakatapos na ako ng isang term.

“Siguro hindi naman totally mapu-full time o kaya bibigyan ng sobrang time yung showbiz.

"Kasi siyempre, ang priority ko pa rin, yung trabaho ko bilang public servant.

"Siyempre, nami-miss mo lang din yung umarte."

Gagawin ni Alex ang pelikulang A Family Ghost Story para sa Star Cinema.

Ang huling serye niya sa ABS-CBN ay ang Wildflower.

ALEX CASTRO'S FIRST PRIORITY

Desidido si Alex na magtuluy-tuloy muli sa pag-aartista.

“Na after election, sabi ko, sige kako, hangga’t kaya pa, hangga’t puwede pa.”

Mas matimbang sa kanya ang pagiging public servant. Sideline niya ang pag-arte.

“Kumbaga po, kung priority, kasi responsibility po yung pinasok natin sa government, hindi iyon title lang, e.

"So, kaya ho... siguro kahit matagal na ako sa industriya, hindi ko inabot yung level na superstar, kasi hati po talaga yung aking…

Continue reading below ↓

“So hindi ko siya talaga in-aim.

"So iyon, kaya hindi rin ako siguro umabot sa level ng ganun.”

Ano ang mensahe ni Alex sa ibang nagsasabing ang mga artista na tulad niya ay hindi capable or qualified maging politician?

“Yung track record ko. Hindi kasi ako nagsimula na artista, 'tapos siguro nung nalaman ko na wala akong career, pumasok ako sa public service, hindi.

Continue reading below ↓

“Nasa public service na ako at the age of 15 years old as SK Federation, hindi ako anak ng pulitiko.

"Kumbaga, ano lang ako, batang-barangay lang talaga ako na active.

“Hanggang sa naging councilor ako and then hanggang maging board member, alam ko ang ginagawa ko.

“And hanggang ngayon…. hindi ko pa naman masasabi na alam ko na lahat, nag-aaral pa rin ako hanggang ngayon, para mas ma-improve pa yung binibigay kong service sa mga tao.

“So part lang dun, nataon na ako ay nasa showbiz, pero gaya nga ng sinabi ko, yung track record ko.”

Hindi siya nagpapaapekto sa bashers.

“Basta alam ko na ginagawa ko yung trabaho ko, na marami akong natutulungan, and nakikita ako, visible sa mga tao.

“Mahirap kasi yung nanalo ka, 'tapos hindi ka naman nakikita.

“I see to it na visible ako sa mga tao, nararamdaman ng mga tao yung ginagawa ko.

Continue reading below ↓

“Hangga’t gusto pa rin nila ako, nanalo ako, binoboto nila ako, ibig sabihin natutuwa sila sa trabaho na ginagawa ko sa distrito ko. Iyon po.”

ALEX AS A FAMILY MAN

Isa pang bagong journey ni Alex ay ang pagiging mister.

Ikinasal sila ng former SexBomb dancer na si Sunshine Garcia nitong March 2019 lamang.

Mag-iisang taon na ang kanilang anak. May baby na sila noong sila ay magpakasal.

Continue reading below ↓

Naniniwala si Alex na hindi makakaapekto sa kanyang pagiging artista ang pagkakakaroon ng misis.

“Siguro, hindi ko na yun iniisip, hindi ko iisipin yung sasabihin ng ibang tao.

“Yung happiness na ibinibigay sa akin ng family ko, iyon ang mas priority ko.

“'Tsaka ang televiewers ngayon, hindi na siguro sila kung ano ka, e, kung ano yung talent mo siguro.

"Malawak na ang pang-unawa ng viewers ngayon.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alex Castro: "Siguro kahit matagal na ako sa industriya, hindi ko inabot yung level na superstar, kasi hati po talaga yung aking… So hindi ko siya talaga in-aim."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results