JM de Guzman ready to work anew with Barbie Imperial; denies courting Ria Atayde

by Melba R. Llanera
Aug 3, 2019
JM de Guzman (center) on closeness to Ria Atayde (right): "Sobra kaming close, palagi kaming nagsu-support sa isa't isa. Siyempre may career, marami kaming ginagawa at alam namin sa isa't isa na yun ang priority namin."
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram (Ria Atayde)

Handa na raw si Barbie Imperial na makatrabahong muli si JM de Guzman, matapos ng isyung namagitan sa kanila noong nakaraang taon.

Matatandaang naudlot ang kanilang magandang samahan na nabuo noong nagsama sila sa ABS-CBN teleseryeng Araw Gabi.

Inaasahan ng maraming magle-level up ang kanilang closeness noon sa isang matatag na relasyon, ngunit sa kalaunan ay sila na rin mismo ang nagbigay ng kanya-kanyang dahilan kung bakit hindi ito umusbong.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay JM sa nakarang grand opening ng Faces and Curves branch nung nakaraang July 28 sa BGC, inamin ng aktor na bukas din naman siyang makasama muli sa isang proyekto ang dating kapareha.

Saad niya, "Ako okay naman, pero siyempre, pareho pa rin kaming empleyado na sumusunod lang sa management.

''Ako, kahit sino naman."

Agad naming tinanong si JM kung may komuniksyon na ba sila ni Barbie at kung gusto ba niya na mag-usap muna sila ng aktres at i-settle ang naging problema sa pagitan nila bago sila magtrabahong muli.

Continue reading below ↓

"Komunikasyon? Wala. Ako wala namang problema, pero bahala na si Lord at si universe.

''Kung ano ang dalhin sa akin, pinagbubutihan ko naman at binibigay ko ang best ko," paninigurado niya.

NOT COURTING RIA

Kinumusta din namin sa Kapamilya actor ang nabalita noon na paniligaw niya kay Ria Atayde.

Pag-amin ni JM, "Sobra kaming close, palagi kaming nagsu-support sa isa't isa.

''Siyempre may career, marami kaming ginagawa at alam namin sa isa't isa na yun ang priority namin."

Kahit si JM ay naniniwala na sa ngayon ay di pa rin siya handang pumasok sa panibagong relationship.

Lahad niya, "Nahihirapan pa rin ako.

''Ito ang trabaho ko, mas kailangan talaga na alagaan mo ang sarili mo.

''Di naman din biro ang pag-arte sa serye na lagi kang pagod emotionally. Pag emotional ka nagkakasakit ka kahit wala naman.

''Kakaisang taon ko pa lang, pag nagmadali ako, sasabihin sa akin, 'Ano ba yan, di na ako natuto.'

Continue reading below ↓

''Sino na naman ang sasabihing tanga, sino na naman ang sasabihing nanloko? Di ba ako?"

NEW SHOW

Sa ngayon ay abala si JM sa taping para sa seryeng Kapalaran kunsaan makakasama niya ang mga beteranong aktor na sina Sylvia Sanchez, Joey Marquez at Irma Adlawan.

Kuwento niya, "Title niya na ngayon is Pamilya Ko, currently nasa 5th week na kami ng pagte-taping.

''For airing na siya, pero programming issues lang.

''Inaayos lang nang kaunti pero soon. May comedy, drama, family, siblings, love.''

"Matagal ko nang kilala si Tita Sylvia, si Tito Art, si Arjo, si Ria,'' pagtukoy naman niya sa pamilya ni Sylvia.

''Minsan pumupunta kami sa bahay nila, maraming-maraming friends.

''Para talaga siyang nanay sa set, lagi yang may dalang lutuan, ref.

''Mahirap pumayat.

''Lagi ko namang sinasabi masarap katrabaho si Ms. Sylvia kasi breakfast pa lang, ready na yan, e.

''Paglax-lax ka dun o bibigay ka ng mediocre, sayang.

Continue reading below ↓

''Dapat lagi kang prepared.

''Marami kang matututunan sa kanila dahil matagal na sila sa industriya—sila Tita Irma, si Tito Joey, Tita Sylvia.''

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JM de Guzman (center) on closeness to Ria Atayde (right): "Sobra kaming close, palagi kaming nagsu-support sa isa't isa. Siyempre may career, marami kaming ginagawa at alam namin sa isa't isa na yun ang priority namin."
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram (Ria Atayde)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results