Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Ion Perez posts stolen shot of Vice Ganda: "I'm so kilig!"

by Bernie V. Franco
Aug 5, 2019
Ion Perez freely expresses his feelings for It's Showtime host Vice Ganda via an Instagram post.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram / Ion Perez Facebook

Walang pangingimi si Ion Perez sa pagsasapubliko ng kanyang espesyal na nararamdaman para kay Vice Ganda.

Sina Vice at Ion ay magkasama sa ABS-CBN daily noontime program na It's Showtime.

Sa kanyang Instagram Story nitong Linggo, August 4, nag-post si Ion sa kanyang verified Instagram account ng stolen shot niya kay Vice.

Kinunan ni Ion si Vice habang busy ito sa pagdalirot ng kanyang cell phone.

Caption ng tinaguriang Kuya Escort sa picture ni Vice: “Ang ganda ng kaharap ko grabe! I’m so kilig! CHUGUG”

Ang “chugug” ang pinapausong expression ngayon ni Vice na nangangahulugang “tinamaan.”

Continue reading below ↓

VICE GANDA’S BIRTH DATE TATTOOED ON ION’S LEG

Samantala, sa “KapareWho” segment ng It's Showtime nitong weekend, pinansin ng host na si Jhong Hilario ang bagong tattoo ni Ion sa binti.

Pero nang lalapitan na ni Jhong si Ion para makita nang malapitan ang bagong tattoo nito, biglang humarang si Vice at binago ang paksa.

Nagkomento pa si Vice sa pagiging intrigera ng kanyang co-host.

Isa itong indikasyon na malaki ang katotohanan sa naisulat na balitang ipina-tattoo ni Ion ang birth date ni Vice sa kanyang binti.

Nito lamang July 24, 2019, buong ipinagmamalaking ipinost ni Ion ang kanyang bagong tattoo na binubuo ng tatlong numero: “03 31 1976.”

Kung iko-convert ito sa birth date ay March 31, 1976, na tumutugma sa kapakanakan ni Vice.

VICE AND ION’S MOMS MEET EACH OTHER

Noong July 15, 2019, kumalat sa social media ang larawan nina Vice at Ion kasama ang kani-kanilang mga ina.

Isa na naman itong malinaw na indikasyon sa pagiging malapit ng dalawang It’s Showtime mainstays.

Continue reading below ↓

Bukod dto ay makikita ang iba pang larawan nina Vice at Ion kasama ang iba pang miyembro ng pamilya ng huli.

Taong 2018 nang magsimulang ma-link sina Vice at Ion.

Wala mang direktang pag-amin, walang pagtanggi mula sa dalawa sa hinihinalang espesyal na namamagitan sa kanila.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ion Perez freely expresses his feelings for It's Showtime host Vice Ganda via an Instagram post.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram / Ion Perez Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results