Julia Barretto denies leaving Joshua Garcia alone at ASAP after-party

by Jet Hitosis
Aug 5, 2019
Julia Barretto says she didn't leave Joshua Garcia who was spotted alone at ASAP Natin To Bay Area after-party.
PHOTO/S: CTTO via @kapamilyatfc Instagram

Idinaan ni Julia Barretto sa Twitter ngayong Lunes, August 5, ang pagdepensa sa sarili.

Ito ay makaraang ma-bash ang aktres sa alegasyong iniwan niya ang ex-boyfriend na si Joshua Garcia sa after-party ng ASAP Natin ‘To Bay Area sa San Francisco, California, noong Sabado, August 3 (U.S. time).

Ito ay pagkatapos kumalat ang ilang litrato sa tweets ni Roxy Liquigan, head ng Star Music, ang recording label arm ng ABS-CBN.

Sa nasabing mga litrato na in-upload noong Sabado, August 3, makikitang nag-iisa si Joshua habang kumakain sa isang mesa sa venue ng after-party.

Sa isa pang litrato sa tweet ni Roxy, magkasama naman sa hiwalay na table ang magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Base pa sa tweets ni Roxy, nang makita nina Daniel at Kathryn si Joshua na nag-iisa ay lumipat ang dalawa sa table ng young actor.

Tweet ni Roxy: “In fairness talaga Kay Kath and djp, Ng Makita nila si Joshua na kumakain Ng mag Isa dito sa after party, talagang lumipat sila Ng table at tinabihan si joshua. :)”

Continue reading below ↓

JULIA BARRETTO DEFENDS SELF

Kaugnay nito, sinagot ni Julia ang Twitter user na nagtanggol sa kanya sa isyung iniwan niya diumano si Joshua.

Ayon sa Twitter user na may handle na The CelebriTEA: “I don’t understand kung ano ang gusto ng mga tao.

"Umiiwas na nga si Julia para wala ng gulo, ayun na-bash na naman kasi iniwan daw si Josh. Kawawa daw mag-isa sa table.

Continue reading below ↓

“Pakiexplain po kung anong gusto nyong mangyari. #ASAPNatinToBayArea @starmagicphils @StarCinema”

Sa reply ni Julia, iginiit nitong hindi niya iniwan ang ex-boyfriend, dahil pinili raw ng aktor na magsolo.

Tweet ni Julia: “I did not leave Joshua alone. He opted & requested to be left alone. He asked to eat & mingle alone.

“Why are all these fingers being pointed at me YET AGAIN?

“Bakit na naman siya kawawa sa naging choice and decision niya, and bakit kasalanan ko pa to?"

Giit pa ng young actress, “Wala kumakawawa sa kanya.”

Continue reading below ↓

Sa kasunod niyang tweet, tiniyak ni Julia sa mga taong nag-aalala para kay Joshua na “the guy is ok. He enjoyed himself last night.”

Sa huli, mistulang may hint si Julia sa posibilidad na magsasalita na siya tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan.

“Wala sila lahat alam. Wait lang kayo,” sabi niya.

Continue reading below ↓

NOT ON SPEAKING TERMS

Huwebes, August 1, nang ibalita ng ABS-CBN entertainment reporter na si MJ Felipe na hiwalay na dumating sa Ninoy Aquino International Airport sina Julia at Joshua para sa biyahe nila papuntang California.

Nakapanayam ni MJ si Joshua roon at inamin ng young actor na matagal na silang walang komunikasyon ni Julia.

Sa nasabing interview rin ay nagpaabot si Joshua ng mensahe ng suporta kay Julia.

Sinabi nitong “nasasaktan” siya para sa dating girlfriend, pero nasisiguro naman niyang “makakabangon” din ito.

April 2019 nang inamin nina Joshua at Julia na dalawang taon na silang magkarelasyon.

June 28—ilang linggo makaraang naglutangan ang balitang hiwalay na sila—nang sabay kumpirmahin nina Julia at Joshua na balik na lang sila sa pagiging “bestest of friends.”

July 4 naman nang direktang aminin ni Joshua sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hiwalay na nga sila ng young actress.

Continue reading below ↓

JULIA AND GERALD STILL MUM ABOUT THE ISSUE

Pagsapit ng July 21, pumutok ang balitang hiwalay na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Nadawit ang pangalan ni Julia sa hiwalayan dahil sa naglabasang mga litrato nila ng co-star niya sa Between Maybes habang magkasama sa birthday party ni Rayver Cruz.

Hanggang ngayon ay kapwa wala pang direktang pahayag sa kontrobersiya sina Julia at Gerald.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto says she didn't leave Joshua Garcia who was spotted alone at ASAP Natin To Bay Area after-party.
PHOTO/S: CTTO via @kapamilyatfc Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results