Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Shaina Magdayao on working with ex-boyfriend John Lloyd Cruz: "I don’t see it happening."

by Bernie V. Franco
Aug 5, 2019
Shaina Magdayao does not see herself working with former boyfriend John Lloyd Cruz. She says, "Maliit lang ang mundo ng showbiz ngayon… Although, I don’t see it happening."
PHOTO/S: Noel Orsal / @johnlloydcruztm on Instagram

Hindi nakikita ni Shaina Magdayao ang sarili na makatrabaho ang dating boyfriend na si John Lloyd Cruz.

Natanong ang aktres tungkol dito sa pocket press conference para sa pagpapakilala sa kanya bilang bagong karakter sa ongoing Kapamilya daytime teleserye, Nang Ngumiti ang Langit, ngayong Lunes, August 5.

Binanggit kay Shaina ang tungkol sa posibilidad ng pagbabalik-showbiz ni John Lloyd.

“Ah, talaga ba? Sorry…” patanong na sagot ni Shaina, na tila walang balita tungkol sa dating nobyo.

Taong 2017 nang ianunsiyo ni John Lloyd ang kanyang indefinite leave sa showbiz.

Pero may mga usap-usapan na posibleng bumalik na ang aktor sa pag-arte.

Willing ba si Shaina na makatrabaho si John Lloyd kung sakaling mabigyan ng pagkakataon?

“When we were together, sinabi naman namin, hindi,” sabi ni Shaina tungkol sa usapan nila noon ni John Lloyd huwag magsama sa isang proyekto.

Saad pa ng aktres, “But like what I said, maliit lang ang mundo ng showbiz ngayon…

Continue reading below ↓

“Although, I don’t see it happening.

“So, di ko nakikitaan ng possibility, to be very honest.

"So, hindi ko masasagot..."

May 2012 nang kumpirmahin ni Shaina ang paghihiwalay nila ni John Lloyd pagkatapos ng dalawang taong relasyon.

Hindi nagdetalye noon si Shaina kung ano ang naging dahilan ng paghihiwalay nila.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

SHAINA IS STILL SINGLE

Ilang taon na ba siyang single?

“Matagal na. Years na.

"Ayoko nang bilangin. Ang tagal na, e.

"Grabe naman, masakit na, ha!" may halong birong sagot ni Shaina.

Sa mga nakalipas na taon, nag-focus daw ang aktres na matutong mahalin ang sarili.

“As cliché as it sounds, maging buo ka muna bago mo maibibigay sa isa pang tao ang pagmamahal na iyon.

“Sa lahat ng nangyari sa akin, I’ve been consumed, di ba, parang nagbigay ka nang nagbigay, siyempre mauubos ka rin.

“Parang kailangan mong i-prioritize ang sarili mo in the end.

“So, yun ang ginagawa ko. Yun ang tinrabaho ko the past few years.

Continue reading below ↓

"Just so when the time comes, when the right one comes, may maibibigay ako sa kanya nang buong-buo.”

IS SHAINA DATING?

Paiwas ang sagot ni Shaina nang matanong kung may nagpapangiti sa kanya ngayon.

“Maraming nagpapangiti sa akin,” pa-safe niyang sagot.

“I don’t think, at this point, kaya kong ibigay lang yung credit sa isang tao.

“I can say I’m in a good place.

“Sa totoo, sasabihin ko naman, e, pero wala pang isang tao na puwedeng bigyan ng credit."

Patuloy niya, “Tingnan natin kung ano yung mangyayari in the future.

“Sabi ko, wala akong time for the past two years [sa love life].

"But now, I do have time, pero pumasok [ang trabaho] so wala na naman tayong oras.

“But if it’s meant to happen, walang makakapigil, not even work. No one.

“So when it happens, I will tell everyone.

“Pero sa ngayon, wala pang isang tao puwedeng magbigay noon.”

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shaina Magdayao does not see herself working with former boyfriend John Lloyd Cruz. She says, "Maliit lang ang mundo ng showbiz ngayon… Although, I don’t see it happening."
PHOTO/S: Noel Orsal / @johnlloydcruztm on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results