Gerald Anderson finally speaks up about breakup with Bea Alonzo; clears Julia Barretto

by Bernie V. Franco
Aug 5, 2019
Gerald Anderson finally breaks silence on breakup with Bea Alonzo and allegation that Julia Barretto was the reason for their split.
PHOTO/S: Noel Orsal

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Gerald Anderson tungkol sa paghihiwalay nila ni Bea Alonzo at pag-uugnay sa kanila ni Julia Barretto.

Sa panayam kay Gerald ng ABS-CBN entertainment reporter na si Ganiel Krishnan nitong Lunes, August 5, sinabi ng aktor ang dahilan ng breakup nila ni Bea.

Pahayag ng Kapamilya actor, “Siguro ang nangyari, just like in any relationship, we had small…

"Let’s say we had that fight, after fight, after fight… We had that one big fight.

“Dun niya inilabas lahat ng emotions, lahat ng feelings.

"And then, yung realization na hindi na siya masyadong healthy and we’re just hurting each other. Ayaw mo na talaga.

“And after that, you got to stay strong and disciplined para umiwas muna sa communication.”

Sa isang panayam ni Bea noong July 25, sinabi ng aktres na wala silang formal breakup ni Gerald.

Continue reading below ↓

Ayon pa sa aktres, bigla na lang siyang hindi kinausap ni Gerald.

GERALD: THERE WAS NO THIRD PARTY

Mariin namang pinasinungalingan ni Gerald na si Julia ang third party sa relasyon nila ni Bea.

Giit ng aktor, “Walang ibang tao na naging dahilan ng breakup.

“Para sa akin, it’s always been our personal issues, things that we… things inside our relationship.”

Nadawit ang pangalan ni Julia at sinasabing siya umano ang dahilan ng breakup nina Gerald at Bea.

Nagsimula ito nang lumabas sa social media ang mga larawan nina Julia at Gerald na magkasama noong July 21, 2019.

Ayon sa netizen na nag-upload ng mga larawan, nakunan ng picture ang dalawa habang papunta umano sa parking area matapos dumalo sa birthday celebration ng Kapuso actor na si Rayver Cruz sa Taguig City.

Kasunod nito ay gumawa ng makahulugang Instagram post si Bea na pinaniniwalaang patama kay Gerald dahil sa diumano’y pangangaliwa nito.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerald Anderson finally breaks silence on breakup with Bea Alonzo and allegation that Julia Barretto was the reason for their split.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results