Julia Barretto replies to positive messages from Jessy Mendiola, Karla Estrada, family

by Rachelle Siazon
Aug 6, 2019
Amid social-media controversy, Julia Barretto chooses to reply to kind words from Jessy Mendiola, Karla Estrada, and mom Marjorie Barretto.
PHOTO/S: @juliabarretto / @senorita_jessy / @karlaestrada1121 / @marjbarretto Instagram

Sa gitna ng mga kinasasangkutan niyang kontrobersiya, pinayagan ni Julia Barretto na magpaabot ng positibong mensahe ang ilan sa kanyang mga kapamilya at mga kasamahan sa showbiz.

Lunes ng hapon, August 5, binuksan ni Julia ang comments' section sa kanyang Instagram post na naglalaman ng latest pictures niya habang siya ay nasa U.S.

Isa sa mga nagkomento ay ang kapwa niya ABS-CBN artist na si Jessy Mendiola, na may written text na "Beautiful" at tatlong lovestruck emojis patungkol sa posts ni Julia.

May paghangang sagot naman ni Julia kay Jessy, "@senorita_jessy Hi beautiful"

Continue reading below ↓

Isang araw bago ang palitan ng mensahe nina Julia at Jessy, naiulat ang akusasyon kay Jessy ng isang netizen na wala raw itong ipinagkaiba kay Julia na nadadawit sa umano'y cheating allegations.

Sinabi rin ng netizen na parehong nababatikos sa social media sina Julia at Jessy dahil sa mga negatibong isyung kinasasangkutan ng mga ito.

Sinagot naman ni Jessy ang netizen ng "move on" dahil marahil makailang-beses nang pinabulaanan ng aktres ang akusasyong third party siya sa hiwalayang Luis Manzano at Angel Locsin.

Sa parte ni Julia, ito naman ang ngayo'y nadadawit sa hiwalayan ng magkasintahang Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Walang direktang pahayag si Julia ukol sa isyu.

Pero ang ina niyang si Marjorie at kapatid na si Dani ay minsan nang pinabulaanan ang alegasyong may namamagitan kina Julia at Gerald nang dahil lang daw sa nakitang magkasama ang dalawa sa isang party.

Continue reading below ↓

MUCH LOVE FROM KARLA, MARJORIE, DANI

Naghayag naman ng pagmamahal para kay Julia si Karla Estrada, host ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay at kilalang malapit na kaibigan ng ina ni Julia na si Marjorie Barretto.

"I love you," mensahe ni Karla kay Julia kalakip ang isang kiss emoji.

Sagot ni Julia, "@karlaestrada1121 I love you."

Samantala, base pa rin sa latest Instagram post ni Julia ay nag-comment doon sina Marjorie at Dani bilang suporta sa dalaga.

Excited na raw si Marjorie na makapiling ulit si Julia pagbalik ng huli galing U.S.

Gayon din si Dani na binoost ang morale ni Julia at sinabing "My baby girl! Keep smiling"

Sumagot ulit si Julia at ipinahiwatig na sabik na rin siyang makasama ang mga kapamilya.

Continue reading below ↓

JULIA'S TWEET, GERALD'S STATEMENT

Naging aktibo si Julia sa social media matapos niyang almahan ang paninisi sa kanya ng ilang netizens kung bakit "solo flight" ang ex-boyfriend niyang si Joshua Garcia sa after-party ng Kapamilya stars na nag-show sa San Jose, California.

Nag-tweet si Julia ng kanyang paglilinaw na hindi totoong pinagmukha niyang kawawa si Joshua dahil choice daw ng binata na iwan itong mag-isa.

Hindi pa rin diretsahang sinagot ni Julia ang balitang lumabas sa Cabinet Files ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na "nililigawan" siya ni Gerald.

Tila tiyempo namang kahapon, August 5, nagsalita na si Gerald tungkol sa bersiyon niya ng hiwalayan nila ni Bea.

Matamang sinabi rin ni Gerald na walang katotohanan ang espekulasyong third party si Julia sa breakup nila ni Bea.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Amid social-media controversy, Julia Barretto chooses to reply to kind words from Jessy Mendiola, Karla Estrada, and mom Marjorie Barretto.
PHOTO/S: @juliabarretto / @senorita_jessy / @karlaestrada1121 / @marjbarretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results