Karla Estrada responds to accusation that she is meddling in Bea-Julia controversy

by Rachelle Siazon
Aug 7, 2019
Karla Estrada (left) clarifies she has no ill will with Bea Alonzo (center); explains comment on Julia Barretto's (right) post.
PHOTO/S: @karlaestrada1121 Instagram

Nagsalita si Karla Estrada sa alegasyong sumasawsaw siya sa kontrobersiyang sangkot sina Bea Alonzo, Julia Barretto, at Gerald Anderson.

Ito ay matapos maghayag si Karla ng suporta kay Julia sa gitna ng matinding pambabatikos na natatanggap ng young actress sa social media.

Sanga-sangang isyu ang kinahaharap ni Julia dahil sa usap-usapan ng netizens na may kinalaman siya diumano sa hiwalayan ng magkasintahang sina Bea at Gerald.

Dagdag pa rito ang hiwalay na isyu kaugnay ng hiwalayan din ni Julia sa boyfriend of two years niyang si Joshua Garcia.

Kahapon, August 6, naiulat ang "I love you" na mensahe ni Karla kay Julia, anak ng matalik niyang kaibigang si Marjorie Barretto.

Bunsod nito ay may netizens na kumuwestiyon kung kinakampihan ba ni Karla si Julia sa sigalot sa pagitan nito at ni Bea.

Sa comments' section ng kanyang Instagram account, sumagot si Karla sa mga netizen na inakusahan siyang nakikisawsaw sa isyu nina Julia at Bea.

Continue reading below ↓

"Kaibigan ko sila lahat," paglilinaw ni Karla.

May isang nagtanong kung kabilang din ba si Bea sa itinuturing na "kaibigan" ni Karla.

Sagot ni Karla, "yes."

Continue reading below ↓

Nag-reply rin si Karla sa isang netizen na nagsabing tama lang daw na i-comfort ng Magandang Buhay host si Julia.

Ulit ni Karla, "Everyone is a friend."

Continue reading below ↓

THE ISSUE INVOLVING BEA, JULIA, GERALD

Mainit pa ring pinag-uusapan ang isyung hiwalayan nina Bea at Gerald, pati na rin ang espekulasyon sa tunay na estado ng relasyon ngayon nina Gerald at Julia na nagkatambal sa pelikulang Between Maybes.

July 21 nang pumutok sa social media ang malalamang Instagram Stories at Instagram post ni Bea na umaalma sa umano'y pagkakamaling ginawa sa kanya ng di pinangalanang personalidad.

Naging laman din ng mga ulat ang sunud-sunod na pag-like ni Bea sa cryptic posts tungkol sa mga taong paulit-ulit na nagsisinungaling at panay ang deny sa isang bagay na "obvious" naman daw.

Kasabay nito ay ni-like din ni Bea ang Instagram posts ng netizens tungkol sa insidenteng namataan sina Gerald at Julia sa isang party noong gabi ng July 20.

STATEMENT OF BEA, GERALD, JULIA

July 26 nang umamin si Bea na wala sila umanong formal breakup ni Gerald at bigla na lang itong hindi nakipag-usap sa kanya.

Matapos ang siyam na araw, noong August 5, nagsalita si Gerald na hindi si Julia ang dahilan ng breakup nila ni Bea kundi "personal issues" at sunud-sunod na away-magkasintahan.

Continue reading below ↓

Kinabukasan, August 6, diretsahang inalmahan ni Julia ang espekulasyong siya ang "third party" sa hiwalayang Bea at Gerald.

Paglilinaw ni Julia, si Gerald na mismo ang nagsabing hindi siya ang dahilan ng breakup ng aktor at ni Bea.

Kasabay nito ay inakusahan ni Julia si Bea ng "bullying" dahil sa diumano'y pailalim na paninira sa kanya ng aktres sa social media.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karla Estrada (left) clarifies she has no ill will with Bea Alonzo (center); explains comment on Julia Barretto's (right) post.
PHOTO/S: @karlaestrada1121 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results