Heaven Peralejo neither confirms nor denies breakup with Jimuel Pacquiao

by Melba R. Llanera
Aug 8, 2019
Heaven Peralejo on gold-digger accusation: "Walang totoo dun na kahit ano dun sa bags and everything. Ang ibinigay niya lang yata is a wallet, and also, it's for my birthday."
PHOTO/S: @heavenperalejo and @pacquiao.emmanuel on Instagram

Ayawkumpirmahin ng Kapamilya young actress na si Heaven Peralejo ang balitang break na sila ni Jimuel Pacquiao.

Si Jimuel ang panganay na anak nina Senator Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao.

“Naku, siya na lang ang tanungin niyo, siya yung guy, e. You ask him.

“Basta ako, go, push!

“Sabi nga ni Mom, ‘If tingin mo hindi na naibibigay ng tao kung ano yung worth mo, just let go. Moving forward lang tayo.’

Diin pa ni Heaven, “Wala naman akong kinunfirm or dinenay. Kayo, ha…”

Wala ba siyang sama ng loob kay Jimuel dahil sa nangyari?

Tugon niya, “Wala namang nakakaalam kung ano yung nangyari, sa amin na lang yun.

“But, siya na lang ang tanungin ninyo for the rest kasi baka mas ikuwento niya nang bongga.”

Pero ano ang natutunan niya sa nangyari sa kanilang relasyon?

Ayon kay Heaven, “I learned a lot.

Continue reading below ↓

"I'm really close to my family, super naging close.

“Dun ko rin nakita, dun ko rin nalaman kung ano yung worth ko.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Heaven sa presscon ng Champion, sa Makati Diamond Residences, noong August 5.

GOLD-DIGGER ACCUSATION

Muling umalma si Heaven sa akusasyong “gold digger” diumano siya kaya nauwi sa breakup ang relasyon nila ni Jimuel.

Ayon pa sa mga lumabas na balita, natuklasan daw ni Jinkee sa credit-card bill ng anak na pinag-grocery raw nito ang pamilya ni Heaven.

Maliban pa rito ang mga mamahaling bags na ibinigay diumano ni Jimwell sa dalaga.

Ngunit mariing pinabulaanan ni Heaven ang mga akusasyong ito.

Saad niya, “Sabi ko nga, no, never nga, as in walang totoo dun na kahit ano dun sa bags and everything.

“Ang ibinigay niya lang yata is a wallet, and also, it's for my birthday.

Continue reading below ↓

“The rest ay flowers lang, puro temporary lang.

“It's nothing naman, ‘tsaka di ko naman siya tatay to get anything na mamahalin.

“We also have money din for ourselves. I don' t need naman anyone's money to buy what I want.”

Nasaktan ba siya sa mga akusasyong pineperahan lang diumano niya si Jimuel?

Sagot ni Heaven, “No... kasi hindi naman totoo, so bakit ako masasaktan?

“I know kung ano yung tama, I know kung ano yung totoo.

“Sabi ko, shrug off lang, kasi hindi naman nila alam kung ano yung tama.”

Tiniyak naman ni Heaven na wala silang problema ng ina ni Jimuel na si Jinkee Pacquiao.

“Okay naman. Before anything else, naging friends naman kami.

“Ask Tita Jinkee, we're okay.”

Sa ngayon ay naka-focus muna raw si Heaven sa kanyang pamilya at showbiz career.

Continue reading below ↓

“Masaya, of course, I have my mommy. Siya yung constant ko sa lahat ng temporary.

“Trabaho tayo, self-love and self-worth.”

Mapapanood si Heaven sa teleseryeng pagbibidahan ni Judy Ann Santos, ang Starla.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heaven Peralejo on gold-digger accusation: "Walang totoo dun na kahit ano dun sa bags and everything. Ang ibinigay niya lang yata is a wallet, and also, it's for my birthday."
PHOTO/S: @heavenperalejo and @pacquiao.emmanuel on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results