Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Ellen Adarna's visit to local court in Cebu not about TPO, says source

by Arniel C. Serato
Aug 9, 2019
Ellen Adarna and partner John Lloyd Cruz recently went on separate vacations abroad adding fuel to breakup rumors.
PHOTO/S: Courtesy: @mimsqiu / @johnlloydcruz on Instagram

Tahimik pa rin ang kampo nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz tungkol sa napababalitang hiwalayan nila matapos ang halos dalawang taong pagsasama.

Ngayong linggo, umingay ang usap-usapan tungkol sa hiwalayan nila at, diumano, naghain pa si Ellen ng Temporary Protection Order (TPO) laban sa aktor.

Kung sakaling may katotohanan ito, nangangahulugang bawal nang lumapit si John Lloyd kay Ellen at sa kanilang anak.

Sa isyu ng TPO, wala pa ring pahayag ang magkabilang kampo na kagagaling lamang sa magkahiwalay na bakasyon—si Ellen sa Thailand kasama ng best friend na si Beauty Gonzalez, at si John Lloyd naman sa Vietnam.

Ilang pahayagan din ang naglabas ng ulat tungkol sa pagsasampa diumano ni Ellen ng TPO laban kay John Lloyd sa local court sa Cebu.

Kaugnay nito, isang bagong source na naninirahan sa Cebu ang nagpaabot ng mensahe sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Biyernes, August 9.

Narinig din daw niya ang tungkol sa TPO.

Continue reading below ↓

Sabi ni source, “Cannot confirm yet, rumors pa.”

Kasunod nito, sinabi rin ng source na hindi niya makumpirma kung ang sighting ni Ellen sa isang regional trial court sa Cebu noong Hulyo ay tungkol sa TPO.

Aniya, “With regards to her attendance in court last month, most probably, that was for the settlement of the estate of her father since it was filed after his death.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pumanaw ang ama ni Ellen na si Alan Modesto Adarna noong Hunyo 2018 dahil sa cardiac arrest.

Ang ama ni Ellen ay isang negosyante sa Cebu na nagmamay-ari ng chain of motels na Queensland, na mayroong branches sa Manila, Cebu, at Davao.

Dagdag pa ng PEP.ph source, “I THINK, JL even assisted at the time of filing (March this year), pero Ellen was not present at that time.

“Continuing pa ang settlement of estate which is normally done kapag may namatay at maraming properties.

Continue reading below ↓

“It was only last month na naka-visit si Ellen sa court.”

Samantala, namataan ng PEP.ph columnist na si Jojo Gabinete si John Lloyd sa may TriNoma Cinema nitong Huwebes ng gabi, August 8.

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa mga nais ihayag nina John Lloyd at Ellen tungkol sa usaping ito.

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna and partner John Lloyd Cruz recently went on separate vacations abroad adding fuel to breakup rumors.
PHOTO/S: Courtesy: @mimsqiu / @johnlloydcruz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results