Mylene Dizon, Cherry Pie Picache, Joanna Ampil weigh in on ghosting

by Rachelle Siazon
Aug 8, 2019
"Kabastusan!" Call Me Tita lead stars Mylene Dizon (left), Cherry Pie Picache (center), and Joanna Ampil (right) share their thoughts on ghosting in the context of breaking up or withdrawing from someone without proper notice.
PHOTO/S: Noel Orsal

Hiningan ng komento ang Call Me Tita lead stars na sina Mylene Dizon, Cherry Pie Picache, at Joanna Ampil tungkol sa pananaw nila sa "ghosting."

Trending topic sa Twitter ang #ghosting noong July 26 dahil sa tweet ni Paulo Avelino sa kasagsagan ng balitang hiwalayan ng celebrity couple na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Continue reading below ↓

Mainit iyong pinag-usapan matapos ihayag ni Bea na wala umano silang pormal na breakup ni Gerald at bigla na lang daw siyang hindi nito kinausap.

Gayunman, walang binanggit na personalidad sa presscon ng Call Me Tita.

Ang tanging malinaw ay nagtanong si Mylene sa press kung ano ba ang konteksto ng ghosting.

May nagsabing ito ay may kinalaman sa pande-deadma, hindi pakikipag-usap, at biglang pag-iwan sa ere sa isang karelasyon.

Pagkatapos ay kaagad sumagot si Mylene na "kabastusan" iyon.

"It's not proper. It's not something that we should be doing to anybody—our friends, our enemies, kasama sa trabaho, pamilya.

"Let's be proper about things.

"If there's something that we want to say, let's do it properly also."

Ayon pa kay Mylene, hindi tamang basta na lang hindi magparamdam sa isang tao.

"And if we want to be absent from somebody's life, let's exit properly.

"May mga paraan naman. May protocol 'yan, e. May rules.

Continue reading below ↓

"Balikan lang natin yung rule book."

Sabi naman ni Cherry Pie, "Yun na yun. Respect for another human being."

SIGN OF "LACK OF MANNERS"

Sang-ayon din si Joanna na kawalan ng good manners ang ghosting.

"I recently learned about this word, like, a few weeks ago—nandededma nga ano.

"Same with Mylene, I disagree.

"Also, what Pie said, if respect is lacking, ayaw naman natin ng ganun.

"Dun mo malalaman kung may manners yung mga katrabaho mo, ka-circle mo.

"And di ka naman makikihalubilo sa mga taong walang manners."

Nag-iwan din si Joanna ng positibong mensahe sa sinumang mabibiktima ng ghosting.

"Kung madededma ka, alam mo nadedma na ako ng ilang beses, it doesn't really matter.

"As long as you know your truth, you know yourself, it doesn't really matter what others will do to you or what they say."

"NO JUDGMENT"

Sa puntong ito, idinagdag ni Cherry Pie na napagtanto nila ng isa pang co-star na si Agot Isidro na bahagi ng realidad ang ghosting.

Continue reading below ↓

"Not for anything else. In one way or another, maybe some of us are guilty about ghosting.

"Maybe kung nang-ghost ka... so walang judgment, yun lang sinasabi ko.

Sabi pa ni Cherry Pie, "case-to-case basis" kung masasabing tama o mali ang ghosting.

"Kasi maybe kung nang-ghost ka rin, then maybe that person doesn't deserve respect.

"That's the same way na you have to have respect for other human beings."

Continue reading below ↓

ANGELICA NO COMMENT ON GHOSTING

Ang usapang ito ay mula sa presscon proper ng Call Me Tita, na ginanap sa 9501 Restaurant sa ELJ Building ng ABS-CBN, Martes ng gabi, August 6.

Present din sa event ang iba pang bida ng serye na sina Agot, Lorna Tolentino, at Angelica Panganiban.

Pero si Agot, "same" lang daw ng sinabi ni Mylene.

Natatawang hirit naman ni Lorna, "Same, nasabi na, ghosting...ghost month ngayon!"

Kibit-balikat lang naman si Angelica sa tanong tungkol sa ghosting.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kabastusan!" Call Me Tita lead stars Mylene Dizon (left), Cherry Pie Picache (center), and Joanna Ampil (right) share their thoughts on ghosting in the context of breaking up or withdrawing from someone without proper notice.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results