Angel Locsin clarifies "Kwentong barbero" post has nothing to do with Bea-Gerald-Julia issue

by Bernie V. Franco
Aug 8, 2019
Angel Locsin reacts after netizens link her previous post about "Kwentong barbero" to the breakup issue of Bea Alonzo and Gerald Anderson.
PHOTO/S: Noel Orsal / @janusdelprado on Instagram

May paglilinaw si Angel Locsin kaugnay ng kanyang recent post sa Instagram Story.

Sa post niya kahapon, August 7, makikita si Angel na ginugupitan ang isang bata.

Caption ng aktres dito: “Kwentong barbero”

Nabigyang kulay ang post na ito ni Angel dahil iniugnay ito ng ilang netizens sa isyu nina Bea Alonzo, Gerald Anderson, at Julia Barretto.

Continue reading below ↓

Pagkaklaro ng star ng The Generals's Daughter sa kanyang Instagram Story ngayong Huwebes, August 8:

“The world doesn’t revolve around certain issues.

“I would never use a child to convey something negative.”

Ang pahayag na ito ay tila sagot ni Angel sa mga netizen na inisip na ang kanyang post ay reaksiyon at pagsuporta sa pinagdadaanan ng kaibigang si Bea.

Continue reading below ↓

Tumaon kasi na ang post ni Angel ay lumabas pagkatapos magsalita nina Gerald at Julia tungkol sa isyung kinasasangkutan.

Narito ang ilan sa tweets ng mga netizen:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ayon naman sa netizen na nag-post ng original video, ginagampanan lamang ni Angel ang kanyang “ninang duties” sa pamamagitan ng paggupit ng buhok ng inaanak.

Bukod kay Angel, iniugnay rin ng mga netizen ang recent Intagram post ni Janus del Prado sa Bea-Gerald-Julia issue.

Ito ay dahil ang mga post ni Janus ay may kinalaman sa pangangaliwa ng isang lalaki.

Continue reading below ↓

Sa kasagsagan kasi ng kontrobersiya ng paghihiwalay nina Bea at Gerald, sina Angel at Janus ang ilan sa mga artistang nagpahayag ng suporta kay Bea via social media.

Naging malapit sina Angel, Bea, at Janus nang magkatrabaho sila sa pelikulang Four Sisters and a Wedding noong 2013.

Nagkasama rin sina Bea at Janus sa One More Chance (2007) at A Second Chance (2015).

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin reacts after netizens link her previous post about "Kwentong barbero" to the breakup issue of Bea Alonzo and Gerald Anderson.
PHOTO/S: Noel Orsal / @janusdelprado on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results