Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Janella Salvador admits talking to Julia Barretto, Joshua Garcia about ongoing controversy

by Rachelle Siazon
Aug 10, 2019
Janella Salvador says she has a good working relationship with Joshua Garcia, who happens to be the ex-boyfriend of her good friend Julia Barretto.
PHOTO/S: @pepalerts / @garciajoshuae Instagram

Inamin ni Janella Salvador na nagpaabot siya ng suporta kay Julia Barretto sa gitna ng pagkadawit nito sa kontrobersiyal na hiwalayan ng magkasintahang Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Nakapag-usap daw ang dalawang Star Magic batchmates tungkol sa mga pinagdadaanang isyu ni Julia sa showbiz ngayon.

Ani Janella, "Pero, of course, Julia being my friend, I reached out to her din. Because I told her I'm there for her no matter what siyempre."

Sinabi ito ni Janella sa panayam sa kanya ng TV host na si Boy Abunda, sa ABS-CBN late-night talk show na Tonight With Boy Abunda, Biyernes ng gabi, August 9.

Noong si Janella ba ang nakaranas din ng kontrobersiya, pinayuhan ba siya si Julia kung paano nito dapat i-handle ang pinagdadaanang problema?

Sagot ni Janella: "Actually, it's more on we both helped each other ever since. We help each other everytime one has a problem.

"Every time one's sad, we always make each other feel like we have a friend in each other, yun yun."

Continue reading below ↓

Nagkataon namang si Janella ang napiling bagong katambal ni Joshua Garcia sa ABS-CBN prime-time series na The Killer Bride.

Si Joshua ay ex-boyfriend ni Julia. Lumalabas na naghiwalay ang dalawa matapos nilang magdiwang ng second anniversary noong April 3.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Hindi ba nagkakailangan sina Janella at Joshua dahil sa sanga-sangang isyu na sangkot sina Joshua at Julia?

"We talked about it, of course," sagot ni Janella.

"But as much as possible, I'd like to exclude myself from the issue kasi I feel like it's just gonna add more fuel to the fire."

Siniguro naman ni Janella na bilang katrabaho ay maganda ang samahan nila ni Joshua.

"His eyes are so powerful. Kung anuman pinapakita niya, legit yung emotions niya, hindi niya pini-fake.

"It's such a pleasure working with him. Hindi ako nahirapan."

WHAT TRANSPIRED SO FAR

June 28 nang ihayag nina Julia at Joshua na bumalik sila sa pagiging "bestest of friends."

Continue reading below ↓

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph noong July 4, inamin ni Joshua na hiwalay na nga sila ni Julia pero naging maayos daw ang pag-uusap nila tungkol dito.

Hanggang sa noong July 21, pumutok ang isyu ng hiwalayan nina Bea at Gerald matapos magpahiwatig si Bea sa Instagram ng pinagdadaanan niyang problema sa kanyang buhay-pag-ibig.

Makalipas ang limang araw, kinumpirma ni Bea na hiwalay na sila ni Gerald, at bigla na lang daw siya nitong hindi kinausap.

August 5 nang basagin ni Gerald ang kanyang pananahimik sa isyu at sinabing hindi si Julia o sinumang third party ang dahilan ng breakup nila ni Bea.

Kinabukasan, August 6, nagpakawala si Julia ng mainit na pahayag laban kay Bea.

Tila nanadya raw si Bea na palakihin ang isyu nang mag-like raw ito sa kumalat na "harmless photos" nina Julia at Gerald sa Instagram.

Hanggang sa kasalukuyan ay walang opisyal na pahayag si Bea hinggil dito.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janella Salvador says she has a good working relationship with Joshua Garcia, who happens to be the ex-boyfriend of her good friend Julia Barretto.
PHOTO/S: @pepalerts / @garciajoshuae Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results