Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Rufa Mae Quinto on past 'pangkama image': "Hindi ako ganoon, 'no?! Love life ang hanap ko."

by Melba R. Llanera
Aug 13, 2019
Rufa Mae Quinto: "Di ba, dati kasi, puro pa-sexy ako? Lahat siguro, iniisip, pangkama ako, pam-porn star ang dating ko."
PHOTO/S: Noel Orsal

Ano ang insights ni Rufa Mae Quinto sa ghosting? Naranasan ba niya ito?

"Maraming ganun, halos lahat. Nung mga batang-bata ako nun, mga 20....

"Pero ngayon, naku! Di ko siya ite-text, iba-block ko sila!” maigting na bulalas ni Rufa Mae sa presscon ng pelikulang And Ai, Thank You noong Agosto 7, Miyerkules, sa Max’s, Quezon Avenue, Quezon City.

Paano pag naghabol?

“Naghabol? Ayoko ng ganun, kaya nagtsi-change number ako lagi, wala nang usapan.

"Marami akong iniyakan, pero kaya ako mahilig mag-change number, kasi ayoko kitang kausap.

“Di ba, dati kasi, puro pa-sexy ako? Lahat siguro, iniisip, pangkama ako, pam-porn star ang dating ko.

“Naiinis ako, kasi siguro ang gusto nila, pam-porn... hindi ako ganoon, ‘no?! Love life ang hanap ko.

“Iyon ang ibinigay ng asawa ko," pagtukoy niya sa kanyang mister na si Trevor Magallanes.

"Saka wala kang feeling na ninenerbiyos. Yung parang.... pag mahal ka niya, hindi ka lang pangkama.

Continue reading below ↓

"Nalaman ko kasi nung na-relax ako sa buhay ko.

"Naniwala ako na naging mabuti akong tao, ano naman ang di nila gugustuhin sa akin?

"Mabait ako, professional, may friends, may family, maayos naman, makulit lang ako.

“Naging mabuti akong tao sa family ko, walang dahilan para hindi ako makapag-asawa.

"Hindi ako pababayaan ng Diyos na para akong kawawa na nag-iisa ako sa buhay. Di ba, anong dahilan?

“Nagtiwala lang ako pero ang tagal, ha, 37 years!

"'Tapos, na-realize ko na makinig lang ako sa agos ng buhay. Doon ako nakinig kaya nakarating ako sa U.S.

“Sabi ko, parang may feeling ako na basta, pupunta ako doon...”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rufa Mae Quinto: "Di ba, dati kasi, puro pa-sexy ako? Lahat siguro, iniisip, pangkama ako, pam-porn star ang dating ko."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results