Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Vic Sotto reacts to son Vico being tagged as "crush ng bayan"

by Rachelle Siazon Interview James Patrick Anarcon
Aug 14, 2019
Vic Sotto agrees with son Vico Sotto's decision to prioritize his duty as Pasig mayor over finding a girlfriend. In the right photo, Vico is flanked by his dad Vic and mom Coney Reyes during the 30-year-old mayor's oath-taking on July 30.
PHOTO/S: Noel Orsal / @coneyreyes Instagram

Proud daddy raw si Vic Sotto sa anak niyang si Mayor Vico Sotto na tinaguriang "babe mayor" ng Pasig City.

Ikinatuwa raw niya ang kaalamang hindi lang basta "crush ng bayan" si Vico dahil sa pisikal na katangian nito kundi lalo na sa determinasyon nitong magkaroon ng positibong pagbabago sa kanyang pamununo bilang alkalde ng Pasig.

"Ako'y natutuwa kapag nakakabalita ako ng ganyan, kasi siyempre anak ko yun, 'no!" masayang bungad ni Vic, o "Bossing" kung tawagin sa GMA-7 noontime show na Eat Bulaga!

"Hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala na may anak akong mayor... na magaling."

Noong May 2019 elections, naging laman ng balita ang pagkapanalo ni Vico laban kay incumbent Mayor Robert "Bobby" Eusebio, na galing sa angkang namuno sa Pasig sa loob ng 27 taon.

Kasabay nito ay dumami ang tagahanga ni Vico, base sa comments ng netizens na kung minsan ay nakahuntahan pa ng binata sa social media.

Continue reading below ↓

Pero kahit single pa sa edad na 30, maagap din si Vico sa pagsasabing malayo pa sa isip niya ang pakikipagrelasyon.

Ano ang masasabi ni Vic sa pahayag ni Vico na mas gusto pa nitong matulog kaysa atupagin ang love life?

Sagot ni Vic, "E, totoo naman. Kahit ako nasa lugar niya, mas masarap matulog."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nakapanayam si Vic ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at isa pang reporter, noong August 7, sa story conference ng 2019 Metro Manila Film Festival entry niyang Mission Unstapabol: The Don Identity.

PROUD OF VICO

Alam daw ni Vic kung gaano kadeterminado ang kanyang anak na panindigan ang pagiging mayor ng Pasig City.

"Kasi maliit pa lang siya, 'yan na gusto niya—government.

"Pinag-aralan niya talaga. Nag-participate siya sa non-government organizations na may kinalaman sa gobyerno.

"Sa Ateneo School of Government, nag-masters siya dun with honors.

"So, sabi ko nga, he's come prepared. At nakikita naman natin na talagang nagde-deliver siya. I'm proud of him."

Continue reading below ↓

VICO AS FUTURE PRESIDENTIAL CANDIDATE?

Sa huli, nagkomento si Vic sa reaksiyon ng ibang netizens na may potensiyal daw na tumakbong presidente ng bansa si Vico balang-araw.

"He's still young. Wala pa.

"That will be about 15 years from now," diretsong sabi ng Eat Bulaga! host.

Dagdag ni Vic patungkol sa anak, "Marami pa siyang dapat... marami pa siyang gustong gawin.

"Alam ko naman na he will be doing good and I'm confident that he can do better in the future."

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vic Sotto agrees with son Vico Sotto's decision to prioritize his duty as Pasig mayor over finding a girlfriend. In the right photo, Vico is flanked by his dad Vic and mom Coney Reyes during the 30-year-old mayor's oath-taking on July 30.
PHOTO/S: Noel Orsal / @coneyreyes Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results