Pamela Prinster admits misunderstanding with co-StarStruck contestant Rere Madrid

by Rose Garcia
Aug 15, 2019
StarStruck hopeful Pamela Prinster on negative comments about her: "Na hindi raw ako talagang Filipino as compared sa other contestants na na-eliminate at lumaki rito. Sa face ko, mukha raw akong itlog, yung mga ganun po!"
PHOTO/S: Noel Orsal

Inamin ni Pamela Prinster na nagkaroon sila ng misunderstanding sila ng kapwa StarStruck finalist na si Rere Madrid.

“Super, actually, pero after a week, she told me everything. ‘Hindi mo lang alam ang napi-feel ko,’ ganun.

“Actually, I’m so thankful na nag-approach siya sa akin,” sabi ni Pamela nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Agosto 10, Biyernes, sa GMA Network Compound, Quezon City.

Sobrang okay na raw sila ngayon ng kapatid ni Ruru Madrid at isa raw siya sa umiyak nang ma-eliminate ito.

“Grabe nga po ang iyak ko nang ma-eliminate siya.

"Kasi, I feel she’s like the mom. Siya yung nag-aalaga palagi,” sambit ni Pamela.

Hindi malinaw ang dahilan ng pagkakaroon nila ng gap ni Rere noon.

May problema ba kay Rere? Threatened ba sila rito?

Ayon kay Pamela, “Hindi ko nga po alam, parang nagka-gap kami.

Continue reading below ↓

"Hindi ko po alam dahil biglang naging malapit ako kay Ella [Cristofani].

"Ella and I became best friends. I don’t know if she felt bad about that."

Bakit nagka-impression na “attitude” si Rere sa kanila?

“Opo nga, parang nag-snowball.

"Pero you know, Rere, hindi naman siya ma-attitude.

"Actually, she’s one of the most generous people that I know.

“Siguro po kasi, she has a strong personality. Maybe sa ibang tao, turn-off yun.

"But ako kasi, gets ko siya."

THE PRESSURE IS ON

Bilang isa sa mga nananatiling matatag mula sa Top 14 hopefuls ng StarStruck Batch 7, aminado si Pamela na magkahalong pressure at pagod ang nararanasan niya, pero masaya.

Nararamdaman ba niyang nakikilala na siya ng mga tao?

“Actually, ang dami pong nagme-message sa akin.

"Binabasa ko yung comments nila and I really feel na parang sobrang close na nila sa akin," sabi niya.

Continue reading below ↓

Nararanasan na rin niya ang pamba-bash.

Natatawang sabi ni Pamela, “I think, everyone.

"And what’s so funny, we’re all talking about it.

"'Grabe si ganito, nagsabi sa akin na ganito,' we’re all laughing and nagiging inside joke din."

Ano ang bina-bash sa kanya?

“Na hindi raw ako talagang Filipino as compared sa other contestants na na-eliminate at lumaki rito.

"Sa face ko, mukha raw akong itlog, yung mga ganun po!" natawa niyang sabi.

Mas naaapektuhan daw siya kapag sinasabing hindi siya Filipino bilang half-American at half-Pinoy siya.

Kahit lumaki siya sa Amerika, mahusay siyang magsalita ng Tagalog.

STARSTRUCK JOURNEY

Ang Marimar na pinagbidahan ni Marian Rivera ang isa sa mga unang Pinoy drama series na kinahiligan at pinanood ni Pamela sa U.S.

Local idol niya ang Kapuso Primetime Queen na si Marian.

Ang mister ni Marian at Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang host ng StarStruck.

Continue reading below ↓

“Oo nga, e, kapag tinitingnan ko siya, parang nasa isip ko agad, my idol, si Marian!” natatawa at kinikilig na sabi ni Pamela.

Sa ngayon, acting ang medyo weak point ni Pamela. Pero willing daw siyang matuto.

Palagi raw siyang napapaiyak kapag naririnig ang mga komento ng council members.

Mas takot daw siya kay Jose Manalo kumpara kina Heart Evangelista at Cherie Gil.

“I think si Ms. Cherie, naiintindihan niya ako. English naman po siya or Taglish. And Heart din po.

"Kay Jose po, minsan iniisip ko, 'Ano pa ba ang magagawa ko para ma-impress ko si Mr. Jose Manalo?'”

Bakit siya takot kay Jose?

Paliwanag ni Pamela, “Palagi niya pong comment yung Tagalog... well, not naman palagi.

"I think, nakikita naman niya na kaya ko, but nakaka-block yung Tagalog.”

Final 8 na lang ang natitira sa StarStruck Batch 7. Nakikita ba niya ang sarili na maging Ultimate Survivor ng StarStruck?

Continue reading below ↓

“I don’t know, it’s my dream, sana nga,” nakangiting sagot ni Pamela.

“But all I can say, all of us, especially sa girls, I think sobrang pantay ng competition.

"And we’re always talking, like, 'Konting mali mo lang...'

"Kasi all of us, may passion sa acting, pero smallest mistake, eliminated ka na.”

Sa kanilang natitirang apat na babae, sino ang pinakamahigpit niyang kalaban?

“I’ve been saying this, start pa lang, si Lexi Gonzales po talaga.

"Sobrang galing, sobrang dedicated."

Sa apat na male finalists na natira, si Kim de Leon ang pinaka-bet niyang maging survivor.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
StarStruck hopeful Pamela Prinster on negative comments about her: "Na hindi raw ako talagang Filipino as compared sa other contestants na na-eliminate at lumaki rito. Sa face ko, mukha raw akong itlog, yung mga ganun po!"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results