Aiko Melendez reveals security nightmare during 2019 elections

by Arniel C. Serato
Aug 15, 2019
Aiko Melendez on moving to GMA-7 from ABS-CBN: "Wala naman akong masamang tinapay sa ABS-CBN.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Itinuturing ni Aiko Malendez na security nightmare para sa buhay nila ng kanyang dalawang anak ang akusasyon ni dating Zambales Vice Governor Angel Magsaysay-Cheng na “sangkot sa droga” ang aktres.

Sa kasagsagan ng kampanya noong May 2019 elections, tahasan diumanong binansagan ni Magsaysay-Cheng si Aiko na sangkot sa droga sa ilang public film viewing sa Zambales, kung saan kumandidato ang nobyo ng aktres na si dating Subic City Mayor Jay Khonghun bilang vice governor.

Lahad ng award-winning actress, “Sobra. Hindi ako makatulog.

“Mamaya ma-tokhang ako, di ba?

“Ang pangit naman ng pagkamatay ko, di ba?

“Buti sana… oo, seriously, cause of death ko, tokhang?

“Ang pangit ng headlines, 'Aiko Melendez na-tokhang.'

“Alam niyo naman na supporter ako ni President [Rodrigo] Duterte, against ako sa drugs, 'tapos pagbibintangan niyo akong ganyan.

“It’s so unfair, I wanna die beautiful!”

Pero kahit anong putik ang ibinato ng kalaban sa kanya at sa boyfriend, nagwagi pa rin si Jay via landslide.

Continue reading below ↓

Sabi pa ng aktres, "Yun nga, sweetest victory and vengeance is to, you know, when you live a good life, karma, everything follows.

"The people have spoken, nanalo ang boyfriend ko, landslide."

Dahil din sa kanyang takot noon sa kanilang kaligtasan, pinalipad ni Aiko sa Amerika ang mga anak na sina Andre Yllana at Marthena Jickain.

Bunsod ng akusasyon laban sa kanya, sinampahan ng libel complaint ni Aiko ang dating bise gobernador sa Olongapo Regional Trial Court (Olongapo-RTC) noong May 7.

Anumang araw ngayon, umaasa si Aiko na ilalabas na ng piskalya ang resolusyon kung may probable cause ang kanyang reklamo upang tuluyan na itong ibista ng korte.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiko sa grand presscon ng kanyang bagong serye sa GMA-7, ang Prima Donnas, noong Martes, August 13.

Continue reading below ↓

Bukod kay Aiko, kabilang din sa cast sina Wendell Ramos, Katrina Halili, Glaiza de Castro, Chanda Romero, Benjie Paras, Elijah Alejo, Sofia Pablo, Althea Ablan, at Jillian Ward sa direksiyon ni Gina Alajar.

BACK TO GMA AFTER NINE YEARS

Mainit ang pagsalubong ng GMA management kay Aiko sa kanyang pagbabalik sa Kapuso Network pagkatapos ng siyam na taon.

Isa si Aiko sa original cast ng gag show na Bubble Gang, mula 1995 hanggang 1998.

Ang Prima Donnas, isang panghapong family drama, ang una niyang proyekto sa kanyang pagbabalik bilang Kapuso.

Marami ang naiintriga kung bakit lumipat sa GMA-7 si Aiko, gayong magaganda rin naman ang kanyang mga naging proyekto sa ABS-CBN.

Paliwanag ng 43-year-old actress, “Siyempre, ano nung una naisip ko, ‘Paano kaya, ano kaya ang sasabihin ng tao?’

“Kasi alam naman yung connotation ngayon na hindi nila maintindihan, na wala naman talaga akong kontrata sa ABS, na I’m freelancer.

Continue reading below ↓

"I’m free to work sa ABS-CBN, or sa GMA.

“Ano ang sasabihin ng mga tao? Na ingrato ako, ganun.

“Kaya lang, it’s a matter of how to explain things to them, di ba?

“Di ba, wala naman akong masamang tinapay sa ABS-CBN.”

Gagampanan ni Aiko sa Prima Donnas ang papel ni Kendra Fajardo, isang ambisyosang executive assistant na gagawin ang lahat mapaibig lamang niya ang kanyang boss na gagampanan naman ni Wendell Ramos.

Mapapanood ang Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime simula sa August 19.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez on moving to GMA-7 from ABS-CBN: "Wala naman akong masamang tinapay sa ABS-CBN.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results